^

PSN Showbiz

Michelle nai-in love na sa Azkals goalkeeper?

-

MANILA, Philippines - Mainit na mainit talaga ang popular football team na Philippine Azkals lalo na kapag nagkakaroon ng usapin na may kaugnayan sa showbiz. Ang latest, isa na namang miyembro ang nauugnay sa isang aktres.

Sa Chika Minute ng GMA 7 news 24 Oras nitong Miyerkules, ibinalitang nagdi-date ang Kapuso young star na si Michelle Madrigal at ang goalkeeper ng Azkals na si Neil Etheridge.

Ayon sa balita, lalo pang nain­triga ang da­lawa dahil sa palitan nila ng men­sahe sa Twitter : Mitch_Madrigal@Neil38Etheridge have a safe trip!

Neil Etheridge@Mitch_Madrigal thanks beautiful! Have a good time, don’t party too much or work too hard. I’m sure I will see you when I get back! Enjoy!

Michelle_Madrigal@Neil38Etheridge noooo!!! Stay!!!

Neil Etheridge@Mitch_Madrigal I wish I could, I would haha just for you... But unfortunately I can’t.”

Matatandaan na nagsimula ang pagli-link kina Phil Younghusband at Angel Locsin nang i­daan ng star player ng Azkals ang pag-aya sa aktres na mag-date sa pamamagitan ng Twitter.

Ngayon naman ay tila nauulit kina Michelle at Neil ang pangyayari.

Pero nagdi-deny ang Kapuso sexy star. Say niya, minsan lang silang lumabas ng football player at kasama nila ang iba pang miyembro ng Azkals at ilang mga kaibigan. Todo ang kanyang pagtanggi na nagkakamabutihan sila ng goalkeeper ng Azkals.

Hindi naman nakunan ng pahayag si Neil na kasalukuyang nasa Germany kasama ng Philippine Azkals para magsanay para sa nalalapit nilang laban sa Sri Lanka sa gaganaping World Cup qualifying match.

Kung may something na kina Michelle at Neil, wala namang masama dahil pa­reho naman yata silang available. Ilang buwan na ang nakalilipas nang iha­yag ni Michelle na break na sila ng kapwa ex-castaway sa Survivor Philippines at model na si Jon Hall.

Sa parte naman ng atleta, wala namang naririnig na may kasalukuyang girlfriend si Neil.

Maliban na lang kung totoong puntirya at seryoso kay Neil si Vice Ganda.

Hahaha.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

AZKALS

CHIKA MINUTE

LEFT

MICHELLE

NEIL

NEIL ETHERIDGE

PHILIPPINE AZKALS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with