Aiko dinala ang anak sa korte
PIK: Dalawang beses nang na-postpone ang story conference ng Iglot na pagbibidahan nina Claudine Barretto at Jolina Magdangal.
Ang unang balitang narinig namin, hindi pa tiyak kung okay na si Claudine dahil nagpapapayat pa rin ito. Pero mismong si Raymart Santiago ang nagpahayag na excited na ang kanyang asawa na bumalik sa trabaho. Kaya tuloy na tuloy na ito.
Ang nagpapa-delay sa kanila ay ang batang bida sa bagong telefantasyang ito ng GMA 7.
PAK: Totoo kaya itong pinag-uusapan ng ilang taga-showbiz tungkol sa isang magaling na aktres na matagal nang natsitsismis na nagpa-rehab?
Kung anu-anong kuwentong naglalabasan tungkol sa pagkalulong nito sa droga, pero ang latest na narinig namin ay naimpluwensyahan itong magaling na aktres ng kanyang karelasyon ngayon.
Tahimik lang kasi si aktres at walang sagot sa mga tsismis na ito kaya pawang haka-haka lang kung totoo ba ito o hindi.
Totoo kayang ang lalaking nakarelasyon nito ay kamag-anak pala ng ex-dyowa ni aktres na isa namang girlalu?
BOOM: Parehong walang sagot sina Aiko Melendez at Bulacan Mayor Patrick Meneses sa tanong namin kung may posibilidad bang magkaayos na sila out of court.
Nagkita ang dalawa sa hearing nung nakaraang Miyerkules sa sala ni Judge Jose Bautista sa Quezon City Regional Trial Court.
Ito ay may kaugnayan sa kasong Temporary Protection Order (TPO) na isinampa ni Aiko laban kay Mayor Meneses.
Nakakapagtaka lang bakit humihingi ng TPO si Aiko gayung wala naman kaming nababalitaang threat si Mayor Meneses sa kanya.
Ayon sa aming nasagap na kuwento, dinala ni Aiko ang anak niyang si Andrei sa korte nung nakaraang linggo dahil apektado ito nang lumabas ang mga balitang kinasuhan siya.
Sinabi na rin ito ni Aiko noon nang magsumite siya ng kanyang counter-affidavit sa kasong libel na isinampa ni Mayor Meneses laban sa kanya.
Maaaring proteksiyon na rin ito sa kanyang anak kaya siya nag-file ng TPO.
Iyon ang kauna-unahan nilang pagkikita pagkatapos ng kontrobersiyal na break-up.
Wala silang sagot kung ano ang naramdaman nila sa pagkikitang ’yun. Kailangan nilang manahimik dahil sa gag order mula sa korte.
May posibilidad na magkikita sila uli dahil na-postpone pa ang hearing at iri-reset sa ibang araw.
- Latest