^

PSN Showbiz

Magaling na aktres, nabuwisit, nag-walk out na lang sa taping!

- Jun Nardo -

MANILA, Philippines - Nataranta ang lahat ng artista at staff ng isang ongoing afternoon drama nang biglang nag-walk out sa taping ang isa sa mga magagaling na aktres sa cast!

Nag-call time ng alas-otso ng gabi para sa aktres. Ayos na ayos na siya nang dumating sa set. Pero magmamadaling-araw na ay hindi pa siya nakukunan. Siyempre, bukod sa inaantok na, humuhulas na ang make up sa kanyang mukha.

Ang requirement pa naman sa eksena ng aktres dapat ay fresh na fresh ang dating niya dahil hindi normal na eksena lang ang gagawin niya. Pero hindi talaga kinaya ng powers ng aktres ang maghintay nang pagkatagal-tagal!

Pagdating kasi sa professionalism, hinding-hindi matatawaran ang husay ng aktres. Pati sa akti­ngan, never siyang pakakabog sa mga kasama.

Kaya naman ang feel namin, nasagad to the max ang pasensiya ng aktres kaya nilayasan niya ang taping! Ang mabuti sa aktres, matapang gawin ang pagwu-walk out.

Ang dinig kasi namin, ’yung ibang cast, 7:00 a.m. pa lang ay nasa set na.

Pero gabing-gabi na sila nakukunan. At least sila, baguhan at wala pang pru­weba pagdating sa aktingan. Kaya wala silang choice kundi maghintay at sumakit ang puwet sa kauupo dahil sa paghihintay!

But knowing her, madali lang naman hingan ng sorry ang aktres. Pero huwag itong mauulit dahil kung pagiging maldita ang usapan, naku marunong ding magmaldita ang aktres lalo na’t inaagrab­yado siya.

Paglalandi ng aktres sa ex ng isa pang aktres, sinita ni Direk

Nagkasagutan pala ang isang direktor at kaibigan niyang aktres dahil sa lalaki.

No, hindi sila ang nagsalo sa isang lalaki pero naging concern lang ang direktor dahil sa pagkaka-involve ng aktres sa isang lalaki na na-involve rin sa kaibigan niyang aktres.

Pinatulan kasi ni aktres A ang lalaki matapos hiwalayan ni aktres B.

Para kay aktres A, landi-landian lang naman ang drama nila ng lalaki.

Eh minasama pala iyon ni Aktres B. Nagsumbong si Aktres B kay direktor. Sinita ni direk si Aktres A. Laugh lang nang laugh ito.

Until now, may gap pa rin ang direktor at Aktres A dahil sa nang­yari. Lalo na’t balitang hindi ang director ang magdidirek ng next movie ni Aktres A.

Character actress winawaldas ang naipong pera sa kanyang tango instructor

Walang pakialam ang character actress na si Vangie Labalan kung itsismis na lover niya ang tango instructor niyang taga-Argentina.

“Their opinions don’t matter to me basta maligaya ako sa ginagawa ko,” say ni Vangie nang makausap namin recently.

Ayon kay Vangie, sinamantala lang niya ang pagkakataon nang dumating ang tango instructor from Argentina. Kesa siya ang gumastos papunta sa bansa nila, minabuti niyang magpaturo na ng tango rito kahit mahal ang bayad.

“Saka, pera ko namang inipon ang pinangbabayad ko sa instructor ko.

“Hindi ko naman madadala ’yan sa hukay. So, I spend it sa gusto kong pagkagastusan. Mahal nga lang talaga ang bayad ko,” katuwiran ng character actress sabay natawa.

Dahil sa current BF, female celebrity nasobrahan na ang kaartehan

Nuknukan ng arte ngayon itong female celebrity na regular ding napapanood sa mga TV shows.

Sa show na kinabibilangan niya, isang malaking blow out ang inihanda ng producer ilang months bago ang scheduled na treat.

Sumagot ang celebrity na join siya sa blow out dahil halos lahat ng kasama niya, sumagot na dyu-join din. Pero habang papalapit na ang scheduled blow out, aba, umaarte na na kesyo marami siyang raket, shows, at kailangan siyang magbayad sa isa niyang malaking problema.

Sa inasal ng celebrity, hayun, tuluyan na siyang hindi isinama sa blow out! Feeling ng mga kasama, may kinalaman ang current boyfriend ng celebrity kaya gumawa siya ng drama para hindi mapilit sumama sa blow out, ’no?

AKTRES

AKTRES A

AKTRES B

DAHIL

LANG

LEFT

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with