^

PSN Showbiz

Jose, Wally, EB babes, at Ryan Bang magsasama-sama sa Pak! Pak! Pak! Eto na ang haveeeyyy!!!

-

MANILA, Philippines -  Nakawiwindang na pasabog na katatawanan at kabaliwan ang hatid ng EB Dabarkads na sina Jose Manalo, Wally Bayola, EB Babes, at ang Pinoy Big Brother Housemate na si Ryan Bang ngayong Sabado, Hunyo 18, sa Zirkoh-Morato.

Sa unang pagkakataon, makakaharap sa stage ni Ryan ang mga idolo niya sa pagpapatawa na sina Jose at Wally. Lagi niyang pinanonood sa Zirkoh at Klownz

ang kalokohan ng dalawa sa stage kaya naman nang maisingit sa schedules nito  na makasama siya sa isang show, laking-tuwa ng Koreano na talaga namang humahamig na ng tagahangang Pinoy.

Matapos kagiliwan sa PBB, naging hurado si Ryan sa Showtime ng 37 weeks.

Sari-saring kalokohan ang pinamalas niya sa programa - kanta, sayaw, pagpapatawa kaya naman nabiyayaan siya ng isang debut album na I Lily Lily Like It.

Of course, pagdating sa pagpapatawa, patuloy pa ring dumarami ang tagahanga nina Jose at Wally dahil sa kasikatan nila sa Eat Bulaga segment na Juan For All, All For Juan. Idagdag pa riyan ang kabaliwan nila sa TV5 show na R U Kidding Me?

Owsss? Hindi Nga!!!! kasama si Vic Sotto.

Bilang dagdag pampainit naman, gigiling ang grupong EB Babes at makikipagharutan sa mga boys sa segment nilang Shembot. Magsisilbi ring post birthday celebration ni Ryan ang naturang show kaya meron siyang dagdag na sopresa sa manonood. 

Available ang tickets ng Pak! Pak Pak! sa SM Ticketnet. Tumawag sa 470-222 at 7080-994  para sa detalye o mag-text sa 0918-407-4172 o 0916-76-78-553.

vuukle comment

ALL FOR JUAN

EAT BULAGA

HINDI NGA

I LILY LILY LIKE IT

JOSE MANALO

JUAN FOR ALL

PAK PAK

PINOY BIG BROTHER HOUSEMATE

R U KIDDING ME

RYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with