John Lloyd wala pang planong asawahin si Shaina
MANILA, Philippines - Happy kami for our friend John Lloyd Cruz sa magandang relasyon nila ng current girlfriend niyang si Shaina Magdayao. Kababalik lang mula sa isang bakasyong grande sa Europe ang magkasintahan at mukhang nakapagpahinga sila ng husto.
Bilang mag-dyowa ay hindi mawawalan ng issue ang dalawa gaya ng pagpapakasal o pregnant na si Shaina. Tinatawanan na lang ng dalawa ito at sanay na sila sa mga intriga na hindi na nila kailangang intindihin at mas alam nga naman nila kung ano ang totoo.
Si John Lloyd ang taong nag-mature na sa showbiz at hindi siya basta-basta mapipikon sa mga isyung ibinabato sa kanya. Kaya nga natutuwa ako sa magandang attitude ni John Lloyd lalo na sa pakikitungo sa mga press people.
Si John Lloyd ang isa sa ilan lang importanteng artista ng ABS-CBN na dapat alagaan. Never niyang iniwanan ang network na naging daan sa tagumpay na tinatamasa niya ngayon. Mapagmahal sa magulang at pamilya kaya sobra-sobra ang biyayang tinatanggap niya until now.
Wala pa sa isipan ni Lloydie ang lumagay sa tahimik dahil marami pa siyang pinapangarap sa sarili at sa pamilya. Tumutulong din siya sa mga kapatid na nasa Amerika. Hindi lang namin alam kung nabilhan na niya ng bahay ang mga ito roon dahil noon ay balak bumili ni Lloydie ng property sa Amerika.
Kampo ni Taylor Lautner super react agad
Nagpalabas agad ng press release ang kampo ni Taylor Lautner (Jacob Black sa Twilight) na walang katotohanan ang lumabas na balitang kukunin ng Bench ang serbisyo ng Hollywood actor bilang endorser nito.
Bakit agad silang natataranta ganung binabalak pa lang ng Bench kung totoo man ito?
Natural wala silang alam at hindi pa sila kinakausap. Balak pa lang at isa pa ay showbiz tsismis ito na puwedeng totoo o hindi. Hindi ba sila sanay sa showbiz gossip? Ang tagal-tagal na nila sa business!
- Latest