Christopher magbibida sa bagong show ng Kapamilya, hinihintay na!
Ipinalalabas na pala sa TV ang Ensure TV ad ng mag-asawang Christopher de Leon at Sandy Andolong.
Hindi ko pa napapanood ang commercial dahil may nakapagsabi sa akin na mas madalas ang pagpapalabas sa TV ad nina Boyet at Sandy sa mga morning program.
Eh hindi naman agad ako nagbubukas ng TV sa umaga dahil inuuna ko ang pagdarasal para magpasalamat sa mga blessing na ibinibigay ni God.
May nagsabi sa akin na magandang-maganda si Sandy sa TV ad nila ni Boyet. Why not? Dati nang maganda si Sandy at lalong tumingkad ang kanyang kagandahan dahil only Belo touches her skin!
Belo loyalist din si Christopher at hindi nito idine-deny na regular ang pagpapakonsulta niya kay Dra. Vicki Belo.
Kung nanonood kayo ng Captain Barbell, mapapansin ninyo na blooming ang itsura ni Boyet dahil maliban sa tulong ng Belo Medical Clinic, regular ang pagpunta niya sa gym. Marami ang nagugulat kay Boyet dahil pang-bagets ang kanyang katawan. Mas maganda pa ang katawan niya kesa sa ibang young actor na walang time na magpunta sa gym.
Hinihintay ng Kapamilya network ang availability ni Boyet dahil ito ang napipisil na maging bida ng bagong TV series ng ABS-CBN. Sinabi na sa akin ni Deo Endrinal ang role na gagampanan ni Boyet pero tatapusin muna nito ang Captain Barbell bago lumipat sa Kapamilya network.
P&G nakipag-meeting sa PAMI Zoren lilipat na sa TV5?
Napapadalas ang mga guesting ni Zoren Legaspi sa mga show ng TV5. Nabasa ko noon na lilipat ng ibang TV network si Zoren at kung hindi ako nagkakamali, ang Kapatid network ang lilipatan niya.
Sunud-sunod ang mga appearance ni Zoren sa TV5 programs. Naging co-host siya ng Paparazzi at talent scout ng Talentadong Pinoy. Guest din siya sa isang drama series ng TV5 kaya posibleng dito siya lumipat pagkatapos ng ilang taon na pananatili sa GMA 7.
Ewan ko lang kung susunod sa yapak ni Zoren si Carmina Villarroel. Maugong ang tsismis na lilipat ng ibang TV station si Carmina pero tinatapos muna niya ang kontrata sa GMA 7.
John Vincent may ibubuga sa kantahan at sayawan
Tuwang-tuwa si John Vincent nang ma-feature siya kahapon sa Philippine Star, ang sister publication ng PSN at PM.
I’m sure, bumili si John Vincent ng maraming kopya ng Philippine Star with matching text brigade sa kanyang mga kamag-anak sa Bohol at Cebu .
Si John Vincent ang bagets na ipinakilala sa akin ni bestfriend Pinky Tobiano. Type ni John Vincent na maging artista at in fairness to him, marami ang nagsasabi na may karapatan siya na mapanood sa TV. Sing and dance ang talent ni John Vincent at marunong din siyang umarte.
Sarah sa 'Pinas magbi-birthday
Hindi napapanood sa ASAP Rocks si Sarah Geronimo dahil nasa Amerika na siya.
Matagal na mawawala si Sarah dahil nag-enroll siya sa California ng sing and dance lessons para lalong mag-improve ang kanyang talento.
Birthday na ni Sarah sa July at siguro naman, naririto na siya sa Pilipinas para i-celebrate ang kanyang birthday. Malay natin, baka magkaroon uli si Sarah ng birthday show at dito niya magamit ang mga natutunan niya sa Amerika.
- Latest