Baler, kinasuhan!
MANILA, Philippines - Ayon sa report ni Mark Salazar ng GMA 7, sinampahan ng PAGCOR ng kasong malversation ang producers ng award-winning movie na Baler. Kasama sa charges ang misuse of public funds amounting to P26M.
Ang Viva Films at PAGCOR ang producers ng nasabing Metro Manila Film Festival movie na pinagbidahan nina Jericho Rosales at Anne Curtis na naging best actress sa nasabing pelikula.
Kasama rin sa charges ang dating officials ng PAGCOR.
Sa ngayon, iba na ang namumuno sa PAGCOR at nagkaroon ng malaking pagbabago sa pagkuha ng mga entertainers. Kung dati ay may mga line producers na kumukontak sa mga performers, tinanggal nang lahat ‘yun para maging transparent pagdating sa bayaran.
Tseke na rin, payable sa performer, na may official receipt ang bayad on the day of the show. At for deposit ang tseke, huh! Hindi na puwedeng i-encash sa bank ng PAGCOR.
Nakakapanibagong sistema pero kung mababawasan ang katiwalian, mas mabuti na rin ang sistemang ito ng PAGCOR.
o0o
Ipakikita sa documentary ni Howie Severino na Taalapia ngayong Sabado sa GMA NewsTV ang pangunguna ni Batangas Governor Vilma Santos sa pagsugpo sa fish kill na talamak ngayon sa Taal Lake.
Kasama ni Gov. Vi ang small fishing communities at local environmentalists na i-dismantle ang ilegal na fish pens, pagkumpronta sa mga mayor at pagpapalabas ng armed night patrols upang mapigilan ang lihim na pagtayo ng sikretong fish pens.
Mula sa direksiyon ng Cinemalaya filmmaker at finalist na si Tara Illenberg ang Taalapia.
- Latest