^

PSN Showbiz

'Gimik' para kina Marian at Heart hindi kinagat!

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Mabuti na lang at hindi kinakagat ang ‘nilulutong’ away kuno nina Marian Rivera at Heart Evangelista. Obvious kasi na promotional gimmick lang para sa movie nila. Ewan ko lang kung sino ang may pakana nito, eh hindi maganda, masyadong hard sell. Umisip kayo ng maganda-gandang gimik! ‘Yung hindi kailangang papag-awayin ang mga artista. Sawang-sawa na sila rito, lalo na si Marian.

Mark pinag-alala ang mga kaibigan

Sino ba naman ang hindi mag-aalala kung mabasa nila sa Twitter na parang nagpapaalam na si Mark Herras!

Marami siyang followers na talagang ginulo niya dahil akala nila they were already reading a suicide note from Mark.

Sino nga ba naman ang hindi kakabahan?

Timmy aktibo na uli

Nakatutuwang dumarami ang projects ni Timmy Cruz sa GMA 7. May nagbalita sa akin na marami itong pinagkakaabalahang environmental concerns pero mas hinangaan siya nang mag-guest sa isang affair ng Brahma Kumaris.

Bukod sa na-maintain nito ang kanyang beauty ay mas gumaling pang kumanta. Hindi naman iniiwan ni Timmy ang kanyang pagkanta, o maski na ang kanyang pag-aartista. Ngayong may mga offers from GMA, she welcomes the thought na balikan ang kanyang dating career.

Maraming klasikong Tagalog na pelikula sa abroad pa nabibili

Mabuhay ka, Mother Lily, sa pasya mong tumulong sa film preservation. Ang dami nating mga film classics na nangawala na at nasira dahil walang nag-iingat. Marami tayong mga producers na sa ibang bansa pa nakakabili ng mga pelikulang ginawa nila.

Mahal mag-preserve ng pelikula. Sana magkaisa ang mga taga-industriya para makalikha ng ma­laking pondo na maipangtutustos sa pagangalaga ng mga pelikula natin.

vuukle comment

BRAHMA KUMARIS

HEART EVANGELISTA

MARAMI

MARIAN RIVERA

MARK HERRAS

MOTHER LILY

SINO

TIMMY

TIMMY CRUZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with