Pinagsasaksak na direktor pagaling na!
Nagkaharap noong Lunes si Ricky Rivero at ang suspect sa pananaksak sa kanya, si Hans Ivan Ruiz.
Dinala ng mga pulis si Hans sa St. Luke’s Medical Center para ma-identify siya ni Ricky. Ang sey ng mga saksi, galit na galit si Ricky sa bagets na muntik nang kumitil sa kanyang buhay.
Traumatic ang nangyari kay Ricky. Paano kung napatay siya ni Hans Ivan? Mabuti na lang, mababaw ang labimpitong saksak dahil bread knife ang ginamit ng suspect na deny-to death na siya ang sumaksak sa actor-director.
Naging instant celebrity si Hans dahil may nagkuwento sa akin na marami ang sumilip sa kanyang Facebook account nang sabihin niya sa mga imbestigador na nagkakilala sila ni Ricky sa nasabing social networking site.
Mali rin ang unang balita na first time na nag-meet nina Ricky at Hans noong Linggo ng gabi. Mismong ang bagets ang nagkuwento na madalas ang pagtulog niya sa apartment ni Ricky mula nang magkakilala sila sa Facebook limang buwan na ang nakararaan.
Mabilis ang paggaling ni Ricky, base sa mga kuwento ng mga kaibigan at kamag-anak na dumalaw sa kanya.
Nakakulong pa rin sa Station 10 ng Quezon City Police District ang suspect na biglang nagbago ang takbo ng buhay dahil sa krimen na kanyang ginawa.
Ang near death experience ni Ricky ang headline ng mga diyaryo at news programs sa TV. Well-informed ang mga kababayan natin sa naganap na krimen at babala ito para sa mga tao na mahilig makipagkaibigan sa mga social networking site.
‘Inuulit ko, Lolit Solis sa Facebook at Twitter PEKE!’
Ang panggagamit sa mga social networking site para makapanloko ng kapwa ang dahilan kaya paulit-ulit ang pagsasabi ko noon na wala akong Facebook o Twitter account.
May mga masasamang tao na ginagamit ang pangalan ko sa panghaharbat at may mga naniniwala na ako talaga ang owner ng mga peke na Facebook at Twitter account.
May mga nanay na inilalapit ang kanilang mga anak na gustong mag-artista. Sila ‘yung mga tipo ng ina na gagawin ang lahat para matupad ang pangarap nila na maging artista ang mga anak. Paano kung hingan sila ng datung ng fake na Lolit Solis at magbigay sila dahil sa kagustuhan na makapasok sa showbiz ang mga anak na pinipilit nila?
Heto pa ang isang concern ko sa fake na Lolit Solis sa Facebook at Twitter.
Paano kung yayain niya na mag-eyeball o magkita sila ng kanyang ka-Facebook at pumayag ito dahil sa paniwala na ako talaga ang kanyang makakatagpo?
Kawawa naman ang pobreng victim dahil ibang tao at hindi ako ang masa-sight niya. Hindi ako nakikipagkita sa mga tao na hindi ko kilala. Pumapayag lang ako na makipag-meeting sa mga stranger na may mga project na iaalok sa mga talent ko no!
Oras na talaga para magkaroon ang ating bansa ng mga batas sa paggamit ng mga social networking site. Dapat magkaroon ng kaukulang parusa para sa mga nanloloko sa Facebook, Twitter, at iba pang klase ng social networking site.
Aktres hindi nakaahon sa pagiging starlet kahit binigyan na
ng break
Sayang ang malaking break na ibinigay sa aktres ng isang TV network dahil hindi siya nag-click sa televiewers.
Starlet na starlet pa rin ang image ng aktres at very starlet ang kanyang mga sagot nang mapanood ko ang kanyang TV guesting.
Hindi feel ng fans ang aktres dahil pa-impress siya at may drama na tila napakatalino niya. Hindi type ng fans ang mga artista na nakaka-intimidate pero starlet na starlet ang orientation.
- Latest