Dyowa ni Justin buntis?
MANILA, Philippines - Nag-front page uli sa mga showbiz pages sa Amerika ang pagsugod sa ospital kay Selena Gomez pagkatapos mag-guest sa Jay Leno’s Tonight Show.
Sinasabing isinugod ang girlfriend ni Justin Bieber dahil sa pagkahilo at sakit ng ulo. Nag-overnight stay siya sa hindi pinangalanang ospital sa Los Angeles, California para maobserbahan pa at magkaroon ng iba pang testing.
At dahil madalas na sintomas ng isang nagdadalang-tao ang pagkahilo, maraming tao ang naniniwala na buntis ang singer-actress! Sino pa ba ang magiging ama kundi si Justin ’di ba?
Ayon pa sa obserbasyon ng ilan, cute silang couple ngayon pero cute pa rin kaya sila kung magiging young parents na? Kakanta kaya sila ng sabay ng “baby, baby”? Si Justin ay 17 years old noong March 1 at ang dyowa niya ay magna-19 sa July 22.
Kamakailan lang ay nabuking na nagbakasyon silang dalawa sa Hawaii.
- Latest