Kabado sa pelikula nila ni Sam? KC panay ang iyak sa promo
Bakit may iyakan sa promo ng Forever and a Day? Instead na maging masaya sila parang ang lungkot tuloy. Sa The Buzz last Sunday, umiiyak si KC at umiyak din si Direk Cathy Garcia -Molina. Kung tutuusin, nagpupurihan lang naman sila kung gaano sila kagagaling sa nasabing pelikula.
Sana wala nang ganun ‘di ba kahit pa tears of joy ‘yun.
Kahit si Sam ay parang nawala na ang pagpapa-cute. Parang ang lakas ng dating niya sa interview at panay ang explain.
Ano kayang meron sa kanila at parang imbes na i-enjoy lang ang promo ay parang malungkot sila? Saka ba’t ganun parang kabado sila sa pelikula nila? Ramdam ko lang naman.
Dahil ba parang may halong lungkot ang kuwento ng pelikula? Tanong lang po.
Galing ni Nomer sa pagbabasa ng isip kinu-kuwestiyon?
May sumagot sa sinulat ni Nay Lolit Solis kahapon tungkol sa mentalist na si Nomer Lasala. Say ng isang online reader, fake daw ang nasabing mentalist.
“FYI : Nomer is a complete fake. What he is doing is a combination of typical conjuring techniques and col reading. Isang napakalaking kalokohan kung mangyayari ‘yung sinasabi na maraming lalapit sa mga mind readers para masolusyunan ang mga problema nila. What they will end up doing is finding someone who will exploit them for monetary reasons during their time of grief and vulnerability.
“HOW DO I KNOW? Why, I’m a “mentalist” myself (bobongpinoy) - that’s the term used to describe people who perform psychic feats for entertainment purposes. The only difference is, I know where to draw the line, the same line that Nomer already crossed for his fifteen minutes of fame. I’m an entertainer, he is a con artist. And I can challenge him face to face to prove that his psychic claims are no more than moonshine. You can tell that to Nomer.”
Oh oh. Malaking challenge ito kay Nomer. O nabasa na niya ito. Na maraming kokontra sa kanya dahil nagkakapangalan na siya.
Bukas ang pahinang ito para kay Nomer.
GMA 7 naapektuhan sa finals ng NBA
Tapos na ang maaksiyong finals ng National Basketball Association kaya naman back to normal ang programming sa umaga. Habang ginaganap kasi ang finals ng NBA, apektado ang rating ng mga programa ng GMA 7 dahil live ang airing nito sa ABS-CBN. Kaya nag-panic daw for a while ang ilang bossing ng mga pang-umagang programa dahil talagang pinapanood ng marami ang nasabing finals ng NBA.
Puwet ng singer- actress na may dalawang anak kinaiinggitan
Marami palang naiinggit sa puwet ng isang singer-actress. Ang tambok daw kasi kahit may dalawang anak na ang singer-actress. Kaya naman isang beses, may isang curious daw na gustong tanungin ang singer kung totoo o gawa ng sensiya ang kanyang magandang umbok ng puwet. Ang kaso isang pulitiko ba naman ang pinapakihan niyang magtanong. Nabaliw ang pulitiko dahil hindi naman daw niya kayang tanungin ‘yun sa singer-actress kahit pa tsika sila.
Pero oo nga ano, pag tiningnan mo nga ang singer-actress, parang maganda pa rin ang puwesto ng kanyang buttocks samantalang nanganak na siya ng dalawang beses at malalaki na ang anak niya. Hindi na rin siya gaanong bata. Malamang nga may say ang sensiya sa kanyang ‘bagong puwet.’
David Foster bilib kay Sarah
Ay totoo palang puring-puri ng international composer na si David Foster si Sarah Geronimo at naniniwala ito na magandang project kung magkakasama sina Sarah at ang alaga niyang si Charice na ngayon ay hataw ang career sa Amerika sa isang proyekto.
“I love Sarah. Sarah’s amazing and I think the two of them would be great together. I was in the Philippines and I wanted Sarah to come sing with me but she wasn’t available and I’d love to meet her someday,” say niya sa interview ng ABS-CBN North America Bureau sa opening ng unang clinic ni Dr. Vicki Belo sa America.
Nauna nang napabalita na si Mr. Foster ang nagrekomenda ng voice coach ni Sarah sa Amerika kung saan kasalukuyang nandun ang pop princess.
Tama na...
Sana ay last interview na ni Jennylyn Mercado ang nangyari sa Showbiz Central kahapon.
Kasi nakakaawa na siya. Ibinilad na niya ng buung-buo ang buhay niya sa madla.
Marami namang naniniwala sa kanya na pinabayaan siya ng kanyang tunay na ina. Nagsalita na rin ang kanyang ama na hindi totoo ang sinabi ng kanyang totoong ina. May news clipping na magpapatunay na binugbog nga siya. Nagsalita na siya sa isang magazine.
Siya ang nakakaawa sa puntong ito.
Dapat may mag-advice na sa kanyang tama na.
Concentrate na siya sa kanyang career at pag-aalaga ng anak.
- Latest