Sisid may rerun special
MANILA, Philippines - Inihahandog ng GMA 7 ang pagbabalik-tanaw sa mga pangyayari sa nakaraang dalawang linggo sa buhay ni Eden (Jackie Rice) na pinamagatang Sa Piling Ko: A Sisid 2-Week Recap Special ngayong Linggo, Hunyo 12 bago mag-Party Pilipinas.
Muling magkakaroon ng pagkakataon ang mga manonood na balikan at panoorin ang simula ng pinakabagong teleserye ni Jackie sa kanyang kauna-unahang pagganap bilang bida. Nag-aral siyang sumisid at dumalo ng mga acting workshops sa kanyang paghahanda sa pagganap bilang Eden, ang tanging babaeng maninisid sa kanilang isla.
Ipinagmamalaki rin ng Sisid ang tatlong matipunong lalake na iibig at magpapaibig kay Eden na sina Dominic Roco, JC Tiuseco, at Ian Batherson.
Sa ilalim ng direksiyon ng premyadong aktor at direktor na si Ricky Davao, kasama rin ang mga beteranong aktor sa industriya na sina Bembol Roco, Angelu de Leon, Daniel Fernando, Alicia Meyer, Maricar de Mesa, Tata Mara, Rich Asuncion, Bela Padilla, Ynna Asistio, Marc Acueza, at Marco Alcaraz.
Patuloy ang Sisid sa paghakot ng matataas na ratings mula nang umere ito noong May 30.
- Latest