GMA News at showbiz tsika nasa mobile phone na!
MANILA, Philippines - Ang GMA New Media, Incorporated, digital arm ng GMA Network, sa pakikipagtulungan sa Globe Telecom at Ironroad, ay naglunsad kamakailan ng breakthrough mobile application na Video Message Service (VMS) na magagamit ng mobile phone users para i-access ang mga video clips ng GMA top-rating shows. Gamit ang VMS, maaari ring gumawa at magpadala ng personal videos sa mga kaibigan at pamilya, at maaari ring ma-upload ang mga videos sa Facebook.
Mapapadali ang pag-access ng up-to-date news and information mula sa mga GMA News and Public Affairs tulad ng 24 Oras, Saksi, Unang Hirit, at ang mga popular na GMA entertainment TV programs gaya ng Amaya, Bubble Gang, Comedy Bar, Pepito Manaloto, Show Me Da Manny, Showbiz Central, Star Talk, Tween Hearts, Sisid, Nita Negrita, Alakdana, Munting Heredera, Magic Palayok, at iba pa.
Puwedeng mag-subscribe sa mga paboritong GMA shows gamit ang Subscribe sa menu options. Kailangan lang i-type ang keywords at ipadala sa 2849. Kapag nakapag-subscribe na, makakatanggap ng bagong video update sa VMS inbox.
Sa simula, ang VMS application ay available sa smartphones na mayroong Android at iOS operating systems. Maaaring ma-download ang application ng libre sa Android Market o sa iPhone App Store. Sa katapusan ng buwan, magiging available na rin ito sa Blackberry at Symbian phones.
Kailangan ng Internet connection para ma-download ang app at ma-access ang VMS. Ang normal charge para sa Internet at data mula sa telecommunications company ang mag-a-apply.
Para sa trial, ang palitan ng video messages at access sa premium content ng GMA ay libre ngayong buwan ng June. Simula July, P5.00 lamang ang halaga ng bawat download ng GMA content.
“The new service makes GMA celebrities and programs more reachable to a wider market. While GMA enjoys a strong presence in the local and international market through its multimedia platform, the experience becomes more personal and instant when the service can be accessed by handheld device users anytime at their convenience,” sabi ni Edna T. Belleza, NMI senior vice president and chief information officer.
Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa service, i-text lang ang VMS (space) HELP sa 2849.
- Latest