KC gagawin ang lahat para sa relasyon
Hindi pa tapos na tapos ang Forever and a Day kaya sa presscon ng mga bida sa pelikula na sina Sam Milby and Sam Concepcion, hindi na sila nagpa-interview after ng open forum na late na nagsimula dahil may dubbing pa raw ang dalawa. Si Direk Cathy Molina-Garcia lang na mas mukhang bagets ngayon ang natira after the presscon.
Pero during the open forum naman ay sumagot si KC sa mga intriga sa kanila ng aktor. Like idinenay niya na nagkaka-debelopan sila ng leading man niya sa pelikula. “Ang kuwento po namin ni Sam, goes way back. ‘Yung closeness po namin, ang pagkatotoo po ng relasyon namin bilang magkaibigan sobrang wala pong kaplastikan. Hiwalay po ‘yun,” sabi ni KC dahil nga inaakusahan na silang ginagamit ang issue na nagkakalabuan na sila ni Piolo Pascual dahil kay Sam.
And she also insisted na magkaibigan lang sila ni Sam at ayaw niyang i-entertain ang idea dahil “I’m in a relationship now.”
Pero aminado naman siyang wala silang kahirap-hirap sa pelikulang ito dahil nga in real life, super close na sila ng aktor at nagsi-share sila ng problema.
“Ang nakakatuwa kasi sa amin ni Sam pareho kami ng kultura. Pareho kami ng hilig. I can say na Sam is one of the people in my life na for keeps talaga,” paliwanag ng aktres sa level of closeness nila ni Sam na loveless naman sa kasalukuyan.
“Parang we don’t think there’s anything that would get in the way sa friendship namin, na parang for life siya talaga.”
Kung sabagay, magkakasama sila nina Piolo sa church. Sama-sama silang nagba-Bible study.
Actually, mukhang seryoso naman talaga si KC kay Piolo.
In fact during the presscon din, open siya sa pagsagot tungkol dito.
“Gagawin po namin ang lahat hanggang sa makakaya. Bilang dalawang mature na tao, para makita mo kung hanggang saan ‘yung relasyon.
“Andun po ako ngayon na I will try my best for the relationship. I will personally not give up until talagang wala na akong maibibigay pa.
“Ganun na po ‘yung tingin ko sa relasyon, hindi na po katulad dati na porke physically guwapo or physically hindi guwapo pero type ko ‘yung utak niya, type ko ‘yung talent niya parang ang bilis, parang whirlwind.
“But at the end of the day Filipina pa rin po ako. At saka marami na po akong natutunan in the last how many years na rin po na nagkaroon ako ng serious relationship,” paliwanag niya.
Pero nang tanungin siya kung sino ang mga ‘yun sa nabanggit niya, nakalimutan na niya dahil past na.
So, saang level kaya roon nina Direk Lino Cayetano, Rico Blanco, at Billy Crawford?
Anyway, puring-puri naman ni Direk Cathy ang lead actress dahil wala raw itong kaartehan sa katawan. Ipinaliwanag din niya na: “Star Cinema never banks on the relationship. Alam mo ‘yung hindi naman tayo ‘yung tipo na nagki-create na kunwari nagkakagustuhan ang mga artista para lang kumita ang pelikula? Kailangan mong patunayan sa audience na, ‘Uy, sandali lang, marunong si KC, marunong si Sam. Uy, sandali lang bagay sila. Tingnan mo ‘yung kuwento.
“So dapat ’pag nanonood ka na, sana hindi mo na makita si KC o si Sam. Ang makikita mo na sina Eugene at Raffy (character nina Sam at KC).”
Teka, meron kayang rain effects or may nagsuot ng wig sa pelikula? Kilalang epektib sa mga pelikulang super na nakakakilig, tatak Direk Cathy ang mga ganung eksena.
Ang Forever and a Day ay 18th anniversary presentation ng Star Cinema. Showing na ito sa June 15.
- Latest