Short films ng Nestlé hanggang ngayon na lang
MANILA, Philippines - Sa pagdiriwang ng 100 years ng Nestlé Philippines sa ating bansa, maaari pang humabol ngayong June 12, simula ng 11 a.m., sa Free Movie Weekend offering ng kumpanya. Mapapanood ang mga short films sa mga piling SM theaters gaya ng Megamall Cinema 3, Southmall Cinema 6, Rosales Cinema 1, Davao Cinema 1, at Cebu Cinema 7.
Eto ang dagdag na magandang balita – bukod sa libre na makanood, may five lucky viewers (1 per cinema) ang maaaring manalo ng P10,000 kapag bumoto ng kanilang paboritong short film. First come, first serve ito. Mapapanood sa pelikula sina John Lloyd Cruz, Sid Lucero, Eugene Domingo, Marvin Agustin, Solenn Heussaff, Kiray, Dennis Padilla, Dominic Roco, Eddie Garcia, at Ms. Gloria Romero. Maliban sa maiiksing pelikula, nariyan pa rin ang Photo Gallery Exhibit hanggang June 24 sa SM Megamall kung saan makikita ang mga larawan mula sa shooting ng 10 short films.
- Latest