John Lloyd nanaba sa bakasyon nila ni Shaina sa Europe
Halatang-halatang nadagdagan ng timbang si John Lloyd Cruz nang lumabas siya sa Entertainment Live kahapon. Mukhang nag-enjoy nga ang aktor sa kanilang bakasyon ng girlfriend na si Shaina Magdayao sa Europe.
Halos isang buwan din ang nasabing bakasyon ng dalawa at lumabas pa ang issue noon na kailangan pa silang tawagan para pauwiin ng bansa dahil nga sa sobrang enjoy ay parang nalimutan na nila na may mga trabaho pala silang naiwan dito sa Pilipinas.
Pero itinanggi ni John Lloyd na engaged na sila ng girlfriend na kapatid ni Vina Morales.
Marami kasing duda na sa nasabing matagal nilang bakasyon ng aktres, tinalian na niya ang young actress.
* * *
Nag-deny si KC Concepcion na gimik ang paghihiwalay nila ni Piolo Pascual para sa pelikula nila ni Sam Milby na Forever and a Day.
Wala raw kinalaman ang nasabing issue sa pelikula nila ni Sam na ipalalabas na next week under Star Cinema na idinirek ni Cathy Garcia Molina.
“Hindi po. Wala pong ganun. Totally hiwalay po itong pelikula sa relationship namin ni PJ (Piolo),” paliwanag ni KC sa ginanap na presscon last Friday night.
Lumabas ang issue na naghiwalay sila ng karelasyon dahil sa sobrang hectic ng schedule niya na ang may kasalanan ay ang shooting nila ni Sam kung saan dumayo pa sila sa maraming probinsiya.
“Kaya mo bang mahalin ang isang taong alam mong mawawala rin sa iyo?” Isa sa mga linya sa trailer ng pelikula nila. Kaya naman hindi ito pinalagpas na itanong din sa kanya.
“Opo eh. Para po kasing may topak ako na ganun na itutuloy ko pa rin kahit alam ko na medyo may possibility na walang patutunguhan or hindi ko alam what’s ahead.
“Live for the moment talaga ako. So, opo kaya ko po. Pero sino ba ang may gusto ng goodbyes, ’di po ba? Kaya ko, pero parang ayoko. Pero ginagawa ko pa rin,” sagot ng aktres.
Ang Forever and a Day ay palabas sa over 100 theaters nationwide simula sa June 15.
- Latest