Polo nag-i-emote!
Naglabas ng konting tampo sa GMA 7 si Polo Ravales nang makausap namin sa presscon ng Sinner or Saint.
Feeling ni Polo, napag-iiwanan siya ng ibang contract stars ng network dahil hindi pa uli siya nabibigyan ng lead role. Ang last lead role niya ay sa Panday Kids pa at ang mga sumunod niyang projects ay supporting role at minsan kontrabida pa.
Naniniwala itong nakaapekto sa plano ng GMA 7 sa kanya nang maging controversial ang love life niya, pero he learned his lesson na at sana mapansin uli siya ng management.
Incidentally, naghahanda na rin si Polo sa pagpasok niya sa politics sa next election. Tatakbo siyang board member sa Bataan, kaya napapadalas ang uwi sa probinsiya.
Elmo Magalona si Lauren Young ang GF
Nagdulot ng lungkot sa mga fans nina Elmo Magalona at Julie Ann San Jose ang na-report sa Juicy na nagdi-date o GF na ng young actor si Lauren Young na talent ng ABS-CBN. Na-report na twice nang nagdi-date ang dalawa at marami ang nakakita.
Dagdag na pasakit pa sa mga tagahanga ang sagot na “nope” ni Clara Magalona, kid sister ni Elmo nang tanungin ng isang fan sa Twitter kung single pa ang kuya niya. May tweet ang bagets na ewan namin kung makakabawas sa lungkot ng JuliElmo fans.
Magbibigay ng bulaklak kay Miley pinagpipilian pa
Sina Sam Concepcion ng ABS-CBN at Elmo Magalona ng GMA 7 ang napiling mag-front act sa concert ni Miley Cyrus at tiyak na magpapagalingan ang dalawa.
Ang hindi pa napagdedesisyunan ng producers ng concert ay kung sino kina Sam at Elmo ang magbibigay ng flowers kay Miley after the concert.
Unsolicited advice ito, bakit hindi ang dalawa ang magbigay ng flowers para walang selosan?
- Latest