^

PSN Showbiz

Trainer ng BL parang Tigre

- Ni SVA -

MANILA, Philippines - Tulad pala ng mga contestant, dumaan din sa mahigpit na audition ang dalawang trainer ng The Biggest Loser Pinoy Edition na sina Jim Saret at Chinggay Andrada.

Say ng production manager na si Reily Santiago, hindi lang kwalipikado para maging trainer ng Biggest Loser sina Jim at Chinggay, pareho rin silang interesanteng mga personalidad.

Si Jim, na isang US certified sports scientist at head trainer ng Philippine national team ay palangiti at mahinahon pero pagdating sa training ay seryoso, malikhain, at siyentipiko ang atake.

Si Chinggay naman, kilalang kickboxer, trainer ng mixed martial artists sa Amerika, at dati na ring TV at radio personality, ay matipid sa salita, malakas ang dating.

Bago pa man nag-aral ng sports science sa Amerika at bumalik sa ‘Pinas, naglaro para sa Pilipinas si Jim bilang junior tennis player. At si­mula pagkabata, nahilig na siya sa sports kung kaya’t ngayon ay madali sa kanyang gumawa at mag-implement ng training para sa mga atleta, kabilang ang hardcourt heartthrob na si Chris Tiu.

Pero sa BL camp, haharapin ni Jim ang kakaibang hamon. “Ang pilosopiya ko kasi, lahat tayo may atleta sa loob natin. Kailangan lang ng tamang motibasyon para ilabas ito. At iyan ang gagawin ko.”

Kung kaya’t sa nakalipas na dalawang linggo, nakita natin ang ibang estilo ni Jim sa training, kung saan ibinabagay niya sa tao ang workout na pinagagawa niya. Lumihis siya sa tradisyunal na ehersis­yo para maging kawili-wili ang training ng kanyang grupo na binubuo nina Alan, Eric, JM, Larry, Angela, Edden, at Joy, ang pinakamabigat na babae.

Si Chinggay naman ay maagang in-expose sa sports ng kanyang ama, maski nag-iisang babae sa kanilang pamilya. Dala niya hanggang paglaki ang pagkahumaling dito at gumawa ng pangalan bilang sportscaster, host at producer ng sports shows sa radyo at TV.

Bago pa man nakapagtayo ng sariling gym, sumali at nanalo na rin siya sa mga patimpalak sa magandang pangangatawan.

Umuwi pa si Chinggay mula Amerika, kung saan naninirahan ang kanyang pamilya, para sa Biggest Loser. Aniya, ito ang pinakamalaking hamon at break sa kanyang karera.

Kaya naman maluha-luha siya habang pinipili sina Art, Raffy, Ryan, Destiny, Hazel, Winwin, at ang pinakamalaki sa programa na si Eboy para maging parte ng Red Team.

Pero, pagdating sa training, mala-tigre si Chinggay sa pagpapalakas ng loob ng mga ka-team sa bawat push-up, buhat, at jog. Sabi pa niya, “Sa training style ko, kailangan makuha mo ang respeto ko. Dapat seryoso ka talaga sa workout.”

 Blue Team ka ba o Red Team? Abangan kasama ang Megastar na si Sharon Cuneta na balitang nakikipag­sabayan sa ginagawang work out.

AMERIKA

BIGGEST LOSER

BIGGEST LOSER PINOY EDITION

BLUE TEAM

CHINGGAY

CHINGGAY ANDRADA

CHRIS TIU

JIM SARET

RED TEAM

SI CHINGGAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with