Snooky Serna disiplinado simula nang umanib sa Iglesia
MANILA, Philippines - Muling mapapanood sa TV si Snooky Serna. Itinatampok ang aktres sa drama anthology ng TV5 na Untold Stories mula sa Face to Face na mapapanood bukas ng gabi, Huwebes, alas-9. Makakasama ang kanyang dating asawang si Ricardo Cepeda at Jopay Paguia.
Samantala, mapapanood din ang aktres sa Blusang Itim ng Kapuso Network.
Tuwang-tuwa si Snooky nang mapunta sa kanya ang mahalagang papel sa naturang afternoon show dahil alam naman ng lahat na ang aktres ang nagbida sa film version nito noon.
Excited, pursigido at tutok si Snooky ngayon sa kanyang trabaho. Nakatulong ang disiplina niyang dala-dala magmula nang umanib siya sa Iglesia Ni Cristo.
Umaasa ang batikang aktres na muli siyang tatanggapin sa kanyang pagbabalik dahil nararamdaman niya na marami pa rin ang nagmamahal sa kanya.
Sa rami ng kanyang pinagdaanang hirap at pagsubok, naniniwala ang aktres na hindi siya pababayaan ng Diyos.
- Latest