Mariel naging matulungin sa dating manager ni Robin
I’m sure natutuwa si Deo Fajardo, Jr. dahil hindi siya nagkamali ng pag-aalaga kay Robin Padilla.Ito ang umalalay sa kanya at nagpagaan ng kanyang loob sa pagkamatay kamakailan ng kanyang kapatid na babae.
Hindi lamang emosyon niya ang pinagaan nito kundi maging ang mga pinansiyal na pangangailangan ng pamilya ng namatay.
Ang ikinatutuwa ng malaki ng dating manager ni Robin ay ang pangyayaring hindi lamang si Robin ang nakaalalay sa kanya kundi maging ang misis nitong si Mariel Rodriguez.
Ngayon lamang niya nakilala ang misis ni Robin pero nakita agad niya ang ganda ng ugali nito.
RETOKADA
Eh ano naman kung nagparetoke si Angeline Quinto? May panggastos naman siya. Karapatan niya ito, artista siya.
Palagi kong sinasabi na napaka-advance ng technology natin. Kapag pangit ang isang babae, maraming paraan para gumanda siya. Lalo na kapag artista na obligadong maging maganda palagi sa paningin ng lahat. Si Angeline pa, na hindi naman pangit. Paano siya makikipagkumpitensya sa mundong kanyang pinili na sampu sampera ang marunong kumanta kung hindi rin siya maganda.
Akala ko nga ang malaking improvement sa kanyang looks ay dulot ng confidence na ibinigay ng kanyang pagka-kampeon sa malaking singing contest na itinaguyod ng ABS-CBN.
Ngayon sinasabi n’yong retokada siya.
Masama kung pumangit siya.
Patrick napaboran ni Dennis
Aakalain ko bang magiging friends pa sina Patrick Garcia at Jennylyn Mercado. Dati ni magtinginan ay ayaw nila. Nakabuti ba ang break-up ni Jennylyn kay Dennis Trillo? Naging mas close lamang kasi sila after ng break up ni Jennylyn with Dennis.
Bagaman at nalulungkot ako sa kinahinatnan ng relasyon nina Jennylyn at Dennis, kung dahilan ito para maging close sila Jennylyn at Patrick eh di okay lang. At least masuwerte ang anak nila, okay na ang parents niya.
Mukha ring nag-come out na si Jennylyn from her shell. Game na siyang makipag-interbyuhan sa ama ng kanyang anak. Dati-rati allergic sila sa isa’t isa.
- Latest