^

PSN Showbiz

Jinkee walang lakas ng loob magpakita!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Kapangalan pala ni Jinkee Pacquiao ang biological mother ni Jennylyn Mercado. Jinkee din ang name na nagpakilala na nanay ni Jennylyn at nagpainterbyu sa reporter ng ABS-CBN na nakadestino sa Middle East.

In fairness, mahusay mag-Ingles ang madir ni Jennylyn, kahit hindi niya ipinakita sa TV ang kanyang face.

Hindi ko type ang mga sinabi ni Jinkee laban kay Lydia Mercado dahil saksi ako sa pagmamahal at pag-aasikaso nito kay Jennylyn.

Between Jinkee and Mommy Lydia, mas kampi ako sa huli dahil sa mga pagsasakripisyo niya sa anak na pinabayaan ni Jinkee.

Tumaas nga ang kilay ko habang pinapanood ko ang interbyu kay Jinkee na hindi naging matapang na ipakita ang kanyang mukha.

May mga iniiwasan ba siya kaya afraid na ma-sight sa TV ang face niya?

Lani parang si Imelda Marcos

Gandang-ganda ako kay Lani Mercado habang pinanonood ko ang Amazing Love Story nila ni Bong Revilla sa GMA 7 noong Linggo.

Sino ang mag-aakala na pito na ang anak ni Lani? Hindi siya tumaba at lalong hindi nalosyang.

May kutob ako na parang si Mrs. Imelda Marcos si Lani habang nagkakaedad. Eighty-two years old na ang dating first lady pero ang ganda-ganda pa rin niya. Matikas pa rin ang mga tindig ni Mrs. Marcos as in siya ang tunay na epitome ng “the true, good and beautiful.”

Bibihira sa mga kababaihan ang nabibiyayaan ng kagandahan tulad nina Lani at Mrs. Marcos.

Kitang-kita sa mukha ni Lani ang pagmamalaki at tuwa nang kumanta si Gabriel, ang apo nila ni Bong kay Jolo.

May dahilan para matuwa ang mag-asawa dahil lumalaking matalino at talented ang kanilang unang apo.

Bigay na bigay si Gabriel sa pagkanta ng Lean on Me. Parang type niya na talbugan ang kanyang ama at mga uncle.

Manang-mana si Gabriel sa kanyang lola Lani. Mahusay kumanta at matalino si Lani. Siya lang ang lola na tinutukoy ko ha, wala nang iba?

Daboy mimisahan ngayon

Ngayong gabi ang presscon ng Sinner or Saint, ang afternoon drama series ng GMA 7 na magsisimula sa Lunes.

For a change, hindi sa 17th floor ang venue ng presscon ng Sinner or Saint pero pupunta muna ako sa puntod ni Rudy Fernandez sa Heritage Park.

Ngayon ang 3rd death anniversary ni Daboy at isang misa ang idaraos para sa kanya. Hindi ko puwedeng hindi dalawin ang puntod ni Daboy dahil kahit nasa kabilang buhay na ito, ayoko na magtampo siya sa akin.

Hinding-hindi ko puwedeng makalimutan ang birthday at death anniversary ni Daboy. Hindi ko rin nakakalimutan ang date ng wedding anniversary nila ni Lorna Tolentino.

Christian lumipad na

Kahapon ang scheduled departure ni Christian Bautista. Lilipad siya sa Singapore para sa taping ng TV series na The Kitchen Musical na pagsasamahan nila ni Karylle.

Apat na buwan na mawawala sa Pilipinas ang dalawa. Ang sey ni Christian, baka bigla siyang umuwi kapag may free time. Mami-miss daw niya ang kanyang pamilya pero dadalaw ang mga ito sa kanya.

Halos tatlong oras lang ang biyahe mula Singapore hanggang Pilipinas. Napakadali para kay Christian na umuwi ng Maynila kapag sinumpong siya ng home sickness. 

                                                 

AMAZING LOVE STORY

BETWEEN JINKEE AND MOMMY LYDIA

BONG REVILLA

DABOY

JENNYLYN

JINKEE

LANI

MRS. MARCOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with