^

PSN Showbiz

Ogie ayaw paniwalaang mister ni Regine sa Singapore

- Veronica R. Samio -

Nagkaroon ng pagtatanghal si Ogie Alcasid ka­makailan sa Singapore, isang benefit concert, na masasabing isang malaking tagumpay dahil SRO ang lugar. Maraming nanood na Pilipino pero higit na nakararami ang mga Singaporeans sa audience. Bukod sa mga kanta niya na pamilyar at alam ng maraming Singaporeans, marami ring kanta si Re­gine Velasquez ang ki­nan­ta niya.

Popular at alam na alam dun ang kanta ng mi­sis niya. When ask­ed kung paano niya alam ang mga nasabing songs, sinabi niya na ang singer ay asawa niya. And that he makes songs for her. Natawa si Ogie dahil kitang-kita niya sa mga mukha ng kausap niya ang pagkagulat at hindi paniniwala.

 “Parang sinasabi ng mga mukha nila na ’weehh, totoo ba ang sinasabi mo? I still had to convince them na talagang mag-asawa kami ni Regs, at saka pa lamang sila naniwala,” bungad ni Ogie sa mga kumakausap sa kanya.

Hindi lamang ang SRO niyang concert ang nakakapagpasaya sa pinuno ng OPM ngayon kundi ang pangyayaring na-meet niya sa kanyang biyahe ang pangulo ng Singapore. Itinuturing niya itong isang malaking achievement dahil pinaka-malaking tao na ng bansang kanyang pinuntahan ang humarap at nagbigay importansiya sa kanya.

Sayang at hindi niya na­­­kasama sa biyahe si Re­­­­gine dahil pinagba­wa­lang muli ito ng kanyang mga doktor na magbiya­he at baka mapagod at tuloy magbigay problema pa sa kanyang pagbu­buntis.

Regine would have crea­ted a big stir kung su­mama siya kay Ogie dun, maybe not as a performer but as his wife.

Ganun ito kasikat sa Singapore.

Jolina, hindi prinesure si Mark na pakasalan siya

Sulit naman pala ang matagal na ipinaghintay ni Jolina Magdangal sa marriage proposal ng kanyang matagal-tagal na ring boyfriend na si Mark Escueta, miyembro ng isang sikat na banda.

Sobrang emosyonal si Jolens dahil matagal na niyang hinihintay ang proposal ni Mark pero tulad ng matagal na niyang sinasabi sa lahat ng mga nag­ta­tanong na ayaw niyang pangunahan ang boyfriend.

“Gusto kong sa kanya mismo manggaling kung magiging mas malalim pa ang aming relas­yon. Ayaw ko siyang i-pressure,” paliwanag ng Kapuso ar­tist na kahit matagal nang naka-move on sa kanyang naging kabiguan nun sa matagal ding nakare­lasyong si Bebong Muñoz ay parang kahapon lamang ito naganap kung tratuhin ng tao.

Isa sa mga unang nakaalam ng engagement nila ni Mark ay ang friend ni Jolens at kasamahan sa Par­­ty Pilipinas na si Kyla pero sinabi ni Jolens na mas mauuna ang kasal nito kay Rich Alvarez kesa sa kanila ni Mark.

Enchong at Julia hindi na pinaniniwalaan

Super deny pa rin sina Enchong Dee at Julia Mon­tes na may relasyon sila kahit pa madalas na silang nakikitang magkasamang dalawa. Oo nga at ay may mga kasama sila pero, hindi na sila maaring magtago pa kahit sa palda ni Kathryn Bernardo  dahil obvious na sinundo ng ka-loveteam ni Erich Gonzales na balita rin namang pinopormahan ng iba, ang kontrabida sa Mara Clara.

Wala naman masisirang relasyon between Enchong and Erich dahil matagal ng tanggap ng kanilang mga fans na hanggang sa screen lamang ang pagpapareha nila.

Anuman ang maging dahilan ng kanilang pagdi-deny, ‘di ba nila alam na habang nagdi-deny sila ay lalo lamang silang hindi pinaniniwalaan ng pub­liko? 

vuukle comment

BEBONG MU

DAHIL

ENCHONG AND ERICH

ENCHONG DEE

ERICH GONZALES

JOLENS

NIYA

OGIE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with