^

PSN Showbiz

Rosario nominado sa Shanghai Filmfest

- Veronica R. Samio -

Actually, dalawang kategorya ang tina-target ng pelikula na idinirek ni Albert Martinez at tinampukan ni Jennylyn Mercado para sa film arm ng TV5, ang Rosario. Ito ang best film, best director o jury prix na sinimulang ibigay nung 2006 Shanghai Film Festival pero walang winner nung 2007.

Ang Rosario ay istorya ng ina ng business tycoon na si Manuel V. Pangilinan na isa sa mga negosyo ay ang matagumpay na TV5 network. Isa ito sa naging kalahok sa nakaraang Metro Manila Film Festival na bagama’t kinilala ang ganda ng pelikula ay ni hindi nakonsidera bilang finalist ang direktor nito na kauna-unahang nagdirek ng pelikula.

Ang 14th Shanghai Film Festival na magaganap sa June 11-19 ay itinuturing na isang malaki at pres­tihiyosong film festival. Ipinagkakaloob dito ang Golden Goblet Award na layuning ipamalas ang ka­husayan at impluwensya ng filmfest at ang Asian New Talents Awards nila ay sumusuporta naman at dumidiskubre ng mga bagong filmmakers. Humihimok din ito ng multi-cultural presentation at crea­tivity sa mga Asyano.

Ilan sa mga tatayong hurado sa taong ito ay ang American director na si Barry Levinson, Vietnamese-French director Anh Hung Tran, British screenwriter Christopher Hampton, Japanese director Yoichi Sai, Spanish actress Paz Vega, Chinese director Wang Quanan, at Chinese actress Zhang Jingchu.

Isa pa ring local film na nakatakdang maki­pag­kumpitensya sa Shanghai Film Festival ay ang Ha­law ni Sheron Dayoc, short film winner sa Cinema­laya Filmfest. Tungkol naman sa exploitation at human trafficking na naranasan ng mga Pilipino sa kanilang biyahe patungong Sabah, Malaysia.

Bagong game show ni Vic ’di patalinuhan

Sayang, pagkakataon ko na sanang manalo ng P100,000 kung natuloy lamang ang pagiging contestant ko sa pinakabagong game show ng TV5, ang R U Kidding Me? o RUKM? na nagtatampok kay Vic Sotto bilang host kasama sina Jose Manalo at Wally Bayola. Napanood na ang unang episode nito nung Sabado ng gabi at mapapapood na tuwing Sabado bago ang Talentadong Pinoy.

Confident ako na mananalo ako dahil hindi naman ito nangangailangan ng katalinuhan sa mga kasali, suwerte lang. Kailangan lamang pumili ng sagot ang mga kasali sa mga sagot na ibibigay nina Jose at Wally. Bawat maling sagot ay magbabawas ng mga kalahok hanggang sa dumating ang oras na ang natitira na lamang ay ang winner, o kung masasagot niya ang mga final questions. ’Di ba madali? Litu-lituhin ka man ng mga katanungan, basta’t ma­tsambahan mo ang tamang sagot at mag-register ito sa pinindot mong buton, winner ka na. 

I could have gone home richer by P100,000, kundi lamang nasira ’yung mga gadgets na kailangang pindutin ng mga contestants. Twenty nga pala ka­ming entertainment writers at 80 ibang mula sa kung saan saang sektor ng lipunan ang kasali. Marami sa katabi ko were teachers na piniling huwag hintayin ang mga suweldo nila at makipagsapalaran sa RUKM? ’Tapos ’di lang pala matutuloy ang taping dahil nga sa technical problems.

ALBERT MARTINEZ

ANH HUNG TRAN

ASIAN NEW TALENTS AWARDS

BARRY LEVINSON

CHRISTOPHER HAMPTON

FILM

GOLDEN GOBLET AWARD

SHANGHAI FILM FESTIVAL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with