Kaya pala ayaw magsalita paghuhubad ng baguhang aktor, hindi ilusyon, may ebidensiya!
Manila, Philippines - Patuloy kaming nakakatanggap ng mga sexy pics ng baguhang aktor.
Una naming natanggap ang dalawang bersiyon – isa mula sa naglabas na blog site na kita ang mukha pero blurred ang ari pero ’yung pangalawa, kita na ang sandata niya, kahit medyo malabo.
Ang sumunod na pinadala sa amin, walang mukha at putol hanggang bewang ng baguhang aktor. ’Tapos ’yung mga kasunod, may takip na sunglasses ang mukha ng aktor pero walang kitang kargada nito. Obvious namang meron siyang suot na briefs.
Para hindi ninyo masabing ilusyon lang ang lumalabas na balita tungkol sa mga nude pics ng aktor, heto ang nagdudumilat na katotohanan!
Nasa diskresyon na ng aming editor kung ilalabas niya ang mukha ni baguhang aktor.
You be the judge, our readers!
Kahit kilala nang durugista aktres hindi namalayang hilo’t bangag na!
Nakakaloka naman ang kuwento ng isang kilalang personality sa showbiz sa aktres na kanyang kinukuha sa isang proyekto minsan.
Eh kilala ang aktres na ito sa paggamit ng bawal na gamot lalo na sa nakakakilala sa kanya. Ito ang pampabuhay ng dugo ng aktres kaya nagagawa niyang paikutin ang ulo ng mga taong gustong kumuha ng serbisyo niya.
Sa kagustuhan ng kilalang personalidad sa showbiz na mapalapit sa aktres, aba, nag-join siya sa isang shabu session ng aktres alang-alang sa negosyo niya. Todo hithit ang personalidad at ’di niya namalayang hilo’t bangag na siya!
Kaya naman nang inihatid na ang personality sa bahay, nabaliw ang mga kasambahay niya sa nakakawindang na hitsura ng kanilang mother!
Eksenang nagyoyosi bawal na rin sa mga pelikulang kasali sa MMFF
Hanep din naman si Metropolitan Manila Development Authority Chairman Francis Tolentino sa kampanya niyang smoke-free Metro Manila.
Dumating na siya sa point na nagsasabi sa mga producers na may entry sa darating na Metro Manila Film Festival na iwasang maglagay ng eksenang may naninigarilyo sa kalahok nilang pelikula.
Ano ba naman ’yan? As if naman unang papansinin ng moviegoers ang eksenang may naninigarilyo kesa sa lead stars ng movie at entertainment value ng kanilang pinanonood.
Eh para magtagumpay si Chairman Tolentino sa adbokasiya niyang ito, aba, patayin na niyang tuluyan ang tobacco industry at ipagbawal ang pag-iimporta ng sigarilyong made in the USA, Switzerland, Japan, at kung saan pang bansa, ’no? ’Tapos ipagbawal na niyang tuluyan ang paninigarilyo sa buong bansa!
Solved ang problema ni MMDA chairman nang walang kahirap-hirap.
Marian magsasabog ng ligaya
Magsasabog ng ligaya ang buong cast ng Amaya ngayon at sa Linggo sa bandang Northern Luzon. Pangungunahan ni Marian Rivera ang road show caravan ngayong tanghali sa SM Rosales. From Rosales, isang motorcade ang ipaparada nila sa Dagupan City ng 4:00 p.m. na magtatapos sa mall show sa CSI The City Mall Dagupan Atrium ng 5:00 p.m.
Kinabukasan, Linggo, raratsada naman sa SM San Fernando, Pampanga ang grupo sa ganap na 11:00 a.m. Then, sasakay sa float ang present na cast (Marian, Glaiza de Castro, Sid Lucero, Mikael Daez, AJ Dee, at Buboy Villar) para naman sa isang motorcade sa Cabanatuan City. Sa mall sa NE Pacific Mall sa syudad ang tapos ng parade na susundan ng iba’t ibang palabas.
Oo nga pala, habang pumaparada ang cast ng epic serye ng GMA, mapapanood naman bago ang Party Pilipinas ang Amaya Balik Tanaw sa kahilingan ng ilang manonood na hindi nasundan nung Lunes ang simula ng napakalaking TV series.
- Latest