^

PSN Showbiz

Christian marami nang nabiling lupain, meron na ring 14-door apartment

- Veronica R. Samio -

Maski na sa pa-presscon ng ini-endorso ni Chris­tian Bautista na Ink All You Can, natawa ito nang marinig ang wish para sa kanya ng mga ma­babait na may-ari ng produkto ay makakita na siya ng babaeng kundi man niya mapapakasalan sa ngayon ay sisimulan na niyang mahalin.

“Paano naman ako maghahanap ng babae para sa akin kung ganitong apat na buwan akong ma­wawala sa bansa,” katuwiran ng kinikilalang Asia’s Romantic Balladeer.

Good catch naman si Christian sa kahit na sino mang dalaga, celebrity man o hindi. Bukod sa kanyang status bilang isang singer na kung saan ay hindi na niya kinailangang mag-audition pa sa The Kitchen Musical at nakuha niya on the strength of his popularity in the Asian circle samantalang lahat ng cast ng nasabing palabas ay dumaan sa audition, including Karylle, one Hollywood actor and one Singaporean superstar.

Financially stable na ang binata. He’s into real estate. Nagpaparenta siya ng stall sa isang lote niya sa Cavite. May mga umuupa na sa kanyang dental clinic, computer shop, laundry at marami pang iba. May 14 door, up and down apartments na siya, sa Cavite rin na pinatatakbo ng kanyang kapatid na babae. Tinatawag nila itong Bautista Estates.

Next year, kukuha siya ng franchise ng Ink All You Can.

Sa kabila ng kanyang kaabalahan sa trabaho, nagagawa rin niyang paghandaan ang kanyang ki­nabukasan. Girlfriend na lamang nga ang kulang.

Zaijian vs Xyriel vs Bugoy

May mga nag-text sa akin complaining kung bakit nililimitahan ko ang pagbibigay ng titulong child wonder kay Xyriel Manabat samantalang may isa pa raw child star sa bakuran ng ABS-CBN na karapat-dapat din sa titulo. Siya si Bugoy Carino na produkto ng isang nationwide child star search na itinaguyod ng network.

Bago pa lamang umaarte si Bugoy, katunayan dancing ang talagang talent niya pero nagpapa­malas na siya ng talento sa pag-arte na compara­ble kay Xyriel. Malas lang niya dahil nahuli siya ng dating, nagsisimula nang ‘i-love team’ si Xyriel kay Zaijian Jaranillo. Hinihintay na lamang ng lahat ang isang proyekto na magtatampok sa kanilang tatlo.

Samantala, ngayong gabi, muli na namang patutunayan ni Bugoy ang kanyang kagalingan bilang isang child star. Tampok siya sa episode ng Wansapanataym na My Mumu.

NBA humataw ang rating

Talaga namang tinutukan ng Pinoy basketball fans saan mang sulok ng bansa ang mainit na banggaan ng Miami Heat at Chicago Bulls para sa ikalimang round ng Eastern Conference finals ng NBA noong Biyernes (May 27) kung saan naiuwi ng Miami Heat ang tagumpay.

Base sa datos ng Kantar Media, pumalo sa national TV ratings na 14.4% ang live airing nito sa ABS-CBN. Nang ito ay ipinapalabas pa sa ibang channel noong nakaraang taon, pumalo lamang ang NBA conference finals ng 3% nationwide mula May 17 hanggang May 30, 2010.

Excited na nga ang lahat para sa inaabangang NBA Finals kung saan maglalaban na ang pambato ng West Coast na Dallas Mavericks at pambato ng East Coast na Miami Heat. Ang Game 3 ay mapapanood muli ito ng live sa ABS-CBN sa Lunes (June 6) na eere ng 8:00 a.m. at ang ikaapat na laban naman sa Miyerkules (June 8), 9:00 a.m.

Anak ni Pepe Smith, nainsulto sa award na ibinigay ni Tim Yap

Sa halip na mag-alala dahil balitang nagagalit ang mga anak ng rocker na si Pepe Smith sa kanya dahil sa ibinigay niyang Eew Award dito, ipinagkikibit-balikat lamang ng sikat na events planner na si Tim Yap ang isyu at sinasabing hindi siya naniniwala sa balita at sinasabing intriga at tsismis lamang ito dahil sa magkakaibigan sila ng pamilya. Hindi mga ganung award lamang ang sisira sa kanilang pagkakaibigan.

Hirit naman ng anak ng rocker na si VJ Sanya Smith na puwede namang humingi muna ng permiso si Tim sa kanilang ama bago niya ito binigyan ng award.

Willing namang makipag-ayos ang mga Smith siblings kay Tim. Ito naman ay kung tiinatanggap ni Tim na may pagkakamali siyang nagawa.

Kim, tahimik sa isyu kina Erich at Derek

Gaano man ang pamimilit na gawin ng press kay Kim Chiu, ayaw nitong pag-usapan ang isyu tungkol sa pag-aaway diumano nina Angelica Panganiban at Erich Gonzales dahil sa sinabi ni Kim na pakikipag-date ng kaibigan (Erich) sa boyfriend ni Angelica na si Derek Ramsay. 

Naging dahilan pa diumano ang pag-aaway ng mga magkakaibigan para ipatawag sila ng mga namumuno ng Star Magic para ayusin ang kanilang gusot. Ito rin marahil ang dahilan kung bakit pigil at walang naririnig ni ano mang paliwanag tungkol sa isyu ang magkakaibigan, lalo na ang miyembro ng grupong Chiurigogobaschu (Kim, Melissa Ricks, Erich, Beauty Gonzales, Kitkat at Empress).

Sa kabila ng pakikialam ng mga bossing ng mga dalaga, patuloy pa rin sa kanilang “silent war” ang mga magkakaibigan.

Aaron, susubukan sa MMK

Isang masalimuot na kuwento ni Nikko ang gagampanan ni Aaron Villaflor ngayong gabi sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya.

Shot in Manila and Tacloban, isang nakakaantig na episode ang kanyang pinagbibidahan. Tungkol sa isang lalaking buong buhay ay naghahanap ng pagmamahal ng isang pamilya.

Sa direksiyon ni Jerry Sineneng at Benson Logronio, makakasama ni Aaron sina Daria Ramirez, Jairus Aquino, Nikki Valdez at Lui Villaruz.   

BUGOY

ERICH

INK ALL YOU CAN

ISANG

MIAMI HEAT

PEPE SMITH

SIYA

TIM YAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with