Poor taste!
Para namang in poor taste ang naririnig ko at nababasang hindi pagpayag ng mga anak ni Dolphy na makasal sila ni Zsa Zsa Padilla dahil mahahati ang yaman ng hari ng komedyante sa asawa niya’t mga anak. Gaano ba kayaman si Dolphy para hindi ang kaligayahan niya ang maging prayoridad ng kanyang mga anak kundi ang kanyang maiiwan, kung saka-sakali? I’m sure ikalulungkot ito ng labis ng komedyante.
Alam nating lahat kung gaano katagal hinintay ni Dolphy na wakasan ang kanyang pagkabinata, tapos nung dumating ang pinakahihintay niya ay hindi magkaroon ng katuparan dahil may mga tumututol?
Hayaan na natin si Dolphy sa kanyang happiness. I’m sure never siyang nagkulang sa kanyang mga anak.
Kimerald nanahimik na!
Eh ano naman kung sina Enchong Dee at Julia Montes na? Pareho naman silang walang sabit, love team lang naman ang relasyon ni Enchong kay Erich Gonzales. Hindi naman maaapektuhan ang love team kung magkaka-girlfriend ang aktor. I’m sure may pumuporma ring iba kay Erich.
At kung malawak lamang ang isipan ng mga tagahanga, walang artista ang magtatago pa ng kanilang relasyon.
Tingnan n’yo ang Kimerald, mukhang natanggap din finally ang paghihiwalay ng kanilang mga idolo. Eh sina Enchong at Erich naman purely professional ang relationship kaya mas madaling matatanggap ng mga tagahanga nila kung ang mga iniidolo ay magkagusto sa iba.
Sana matanggap din nila kung si Julia nga ang gusto ni Enchong.
Strategy kina Marian at Dingdong pumatok
Maganda ’yung ginagawa ng GMA 7 na pagbibigay ng hiwalay na projects kina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Nagagawa nilang pasabikin ang mga fans ng dalawa. By the time na magsama silang muli sa isang project, miss na miss na miss na sila ng mga manonood. Kaya siguradong patok na naman ang proyekto nila.
Anyways, keri naman nilang maghiwalay ng mga projects. Look at Amaya, okay naman si Marian with other leading men. Papanoorin din nila si Dingdong with other leading ladies.
- Latest