^

PSN Showbiz

Nova Villa biglang kumambyo sa pang-ookray sa Kapamilya

- SEEN SCENE -

SEEN : Umiyak si Nova Villa sa presscon ng Sugo Mga Kapatid habang pinupuri niya ang ABS-CBN. Kumambyo ang beteranang aktres dahil negative sa ABS-CBN ang kanyang mga pahayag nang makausap siya ng mga showbiz reporter sa set ng Nita Negrita.

SCENE : Extended for another week ang Family Feud, ang game show ni Edu Manzano sa GMA 7. Hindi pa ngayon ang huling araw ng airing ng Family Feud.

SEEN : Star-studded ang birthday party ni Camarines Sur Governor LRay Villafuerte noong Miyerkules. Ilan sa mga bumati sa kanya sina Richard Gutierrez, Aga Muhlach at Senator Bong Revilla, Jr. 

SCENE : Lalong nagmukhang maliit si Jhake Vargas sa mga eksena niya sa Captain Barbell dahil sa unwanted pounds sa kanyang katawan. Hindi mapigilan ni Jhake ang pagtaba.

SEEN :  Babalik sa Pilipinas sa pangatlong pagkakataon si David Archuleta sa July pero hindi na siya hot item sa Pinoy fans. Siya na ang bagong David Pomeranz na kinasawaan ng mga Pilipino dahil sa madalas na pagbisita sa Pilipinas.

SCENE : Ang mga anak na sina Gabs Valenciano at Robin Nievera ang special guests  bukas nina Gary Valenciano at Martin Nievera sa concert nila sa Heritage Forum, Anaheim, California. 

SEEN : Hindi kilala ng masang Pilipino si Ed Westwick ng Gossip Girl. Naka-check in si Ed sa isang five star hotel sa Makati City.

SCENE : Si Phillip Salvador ang gaganap na Mon Tulfo sa kuwento ng buhay nito na ipalalabas sa Star Confessions ng TV5.

vuukle comment

AGA MUHLACH

CAMARINES SUR GOVERNOR

CAPTAIN BARBELL

DAVID ARCHULETA

DAVID POMERANZ

ED WESTWICK

EDU MANZANO

FAMILY FEUD

GABS VALENCIANO

GARY VALENCIANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with