^

PSN Showbiz

Anne iniilusyong rumampa sa Cannes Filmfest

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Kamakailan ay gumawa si Anne Curtis ng isang indie film at ipinalabas ito sa ANC (ABS-CBN News Channel), ang Kinse. Kakaibang karanasan ito para sa aktres at pinapangarap din ni Anne na mapabilang ang nasabing pelikula sa sikat na international film festival.

“Lahat naman yata, pangarap ’yun. Ang sarap sigurong makatapak ng Cannes Film Festival to represent the Philippines. Maraming salamat sa lahat nang nanood ng short film, of course directed by Erik Matti,” say ni Anne.

Nahirapan din ang dalaga nang gawin niya ang pelikula kasi isang eksena lang ang kinunan, dire-diretso lang.

Dagdag pa ni Anne, “Ang sarap ng feeling kasi katrabaho ko si Rez Cortez, tapos si Ms. Gina Alajar. It’s so much fun to be working with credible actors.”

Sarah pangarap gumawa ng Christian album

Nakatakdang pumunta sa Amerika si Sarah Geronimo para muling mag-aral at pagbutihin pa ang kanyang talento. Isasabay na rin ng Pop Princess ang pagbabakasyon.

“Ayun, tuloy na po. Mag-voice and dance lessons lang po ako at konting bakasyon lang. Five weeks lang, madali lang ’yun,” nakangiting bungad ni Sarah.

Matagal nang plano ni Sarah na mag-enroll sa mga nasabing lessons. Ginagawa niya ito para sa lahat ng kanyang mga tagahanga na nagtitiwala sa kanyang kakayahan.

“Parang I feel na napakaraming opportunities na naibibigay po sa akin at gusto ko na bawat proyekto na ibibigay sa akin especially singing, bibigyan ko talaga ng magandang performance para hindi naman nasasayang ’yung tiwala nila sa akin at saka may naipapakita rin akong bago sa audience,” dagdag pa ng Pop Princess.

Pagkatapos ng short courses sa singing at dancing ay balak ng young singer na gumawa ng isang dance album at isang Christian album.

“Yes! Gustung-gusto ko ’yun. Dream ko talaga na makagawa tayong mga Filipino artists ng isang Christian album, ’yung puro Christian songs, inspirational,” pagtatapos ni Sarah.

Sam thrilled sa Peter Pan

Abala na ngayon si Sam Concepcion sa paghahanda para sa musical play na Peter Pan. Si Sam ang magbibida sa nasabing play kaya flattered at sobrang excited ng binata.

“Excited to take on a role such as Peter Pan. It’s another big challenge. I’m thrilled to be part of production na ’to,” maikling pahayag ni Sam.

Magsisimula ang pagtatanghal ng Peter Pan sa Sept. 29 sa Meralco theater.

— Reports from JAMES C. CANTOS

ANNE CURTIS

CANNES FILM FESTIVAL

ERIK MATTI

MS. GINA ALAJAR

NEWS CHANNEL

PARANG I

PETER PAN

POP PRINCESS

REZ CORTEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with