^

PSN Showbiz

TV5 logo naka-display na: MVP tahimik lang, nabili na ang IBC-13?!

- Ni Jun Nardo -

MANILA, Philippines - Nabili na ba ni Manny V. Pangilinan ang IBC-13? Parang walang kai­ngay-ingay kung totoo mang bahagi na ng business mogul ang matagal nang sequestered na network. Napanood kasi namin ang laban ng team Smart Gilas sa ongoing FIBA tournament sa Channel 13. Tapos, nakalagay ang logo na Sports TV5 sa araw-araw na game kaya naman naisip naming pag-aari na ni MVP ang network.

Eh nabasa rin namin sa sports news na tanging ang TV5 lang ang nag-bid upang makuha ang rights ng PBA sa telebisyon. Kung isasalpak pa sa regular programming ng TV5 ang PBA games, paano na ang alagang show ni Willie Revillame? Alangan namang maitsapuwera ’yun dahil lang sa basketball ’di ba?

Naghahanap pa ng mga bagong empleyado ang IBC-13 na pina-flash nila parati sa mga shows nila. Kung bahagi na nga ng Singko ang Trese, well and good para higit pang sumigla ang TV industry!

Karylle ipinagdarasal ng mga pari’t madre kaya nawala ang takot sa kasal

Naapektuhan ang pananaw ni Karylle sa kasal dahil sa nangyari sa kanyang mga magulang na sina Zsa Zsa Padilla at Dr. Modesto Tatlong Hari.

“Nasa college ako that time na nangyari ’yung pagpa-file ng annulment ng wedding nila. Ang notion ko kasi ’pag nasa showbiz clan, you can’t have a happy family. You can’t have it all talaga,” sambit ni Karylle na bagong endorser ngayon ng Fruitas.

Aminado siyang natakot siyang pakasal nung panahong ’yun. “Natakot din ako for a long time. Ngayon, okay na pala. Nag-pray ako nang nag-pray at na­ging bukas ang mind ko. Marami rin akong kaibigang pari at madre at lagi nila akong pinagdarasal,” rason pa ni Karylle.

Sam Concepcion ilalantad na ang sariwang katawan

Kinakailangan ng Repertory Philippines ng pera upang magkaroon ng katuparan ang pag-i-stage nila ng musical na Peter Pan sa Meralco Theater sa Sept. 29-Oct. 31.

Kaya naman nagpasaklolo sila sa STAGES upang tumulong at makipag-joint venture sa pinakamagastos na musical na ihahandog nila sa tao.

“More than P7M ang cost ng Peter Pan,” deklara ni Audie Gemora na presidente ng STAGES at isa ring batikang stage actor.

Sa gagamitin kasing flying machines ng lead player na si Sam Concepcion, pati na ang tatlong batang nasa cast, ’yung ginamit pang flying machine sa London na dadalhin sa bansa.

Idagdag pa ang costumes, kanta, at iba pang pangangailangan sa set. Kaya naman todo ang pasasalamat ni Menchu Lauchengco, associate artistic director ng REP, sa pagiging bukas ng loob ng STAGES sa pagtulong sa proyekto.

Sa Peter Pan, ilalantad ni Sam ang sariwa niyang katawan na unti-unti niyang dini-develop!

AUDIE GEMORA

KARYLLE

KAYA

MANNY V

MENCHU LAUCHENGCO

MERALCO THEATER

PETER PAN

SAM CONCEPCION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with