^

PSN Showbiz

Aktor na-carry na mag-promote ng movie kahit lasing

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Natawa kami sa tsika ng kaibigang PRO kung paano siya nangarag ng husto nang duma­ting sa mall tour ng isang pelikula ang actor na bida ng movie na lasing. Sobra siyang na-tense na baka kung anong maling sabihin ng actor sa harap ng tao at baka mahalata ng tao na senglot ito.

Hindi siya close sa actor, kaya hindi niya malapitan para sabihang umuwi na lang at matulog at hayaang ang ibang kasama sa pelikula na lang ang mag-promote. Takot ang reporter na baka magalit ang actor at kung ano ang gawin sa kanya.

In fairness, nag-behave ang actor at keri ang sarili kahit lasing. Maayos itong kumanta with matching tugtog ng gitara na dala nito mismo.

Thankful ang PR nang matapos ang mall tour na walang nangyari at nangakong ‘pag humawak ng pelikula ng actor at lasing sa mall tour, pauuwiin na lang niya para ‘di siya ma-stress.

GMA maraming bagong programa

Sunud-sunod ang storycon ng mga bagong project ng GMA 7. Nauna ang storycon ng Futbolilits noong Lunes, sinundan ng storycon ng Jump last Tuesday at kahapon, naka-schedule ang storycon ng Iglot nina Claudine Barretto, Marvin Agustin, Luis Alandy, at Jolina Magdangal.

Sina Mark Reyes at Andoy Ranay ang director ng Jump, ang first danceserye ng GMA 7 na mala-Step Up ang dating at tampok ang tambalan nina Mark Herras at Kris Bernal.

Ang alam namin, join din sa cast sina Cherie Gil, Jean Garcia, at isang magaling na singer-actor, hindi lang kami sure kung tinanggap ang project dahil may offer din itong soap sa ABS-CBN. Nang hu­ling makausap, hindi pa makapag-decide ang actor kung aling project ang tatanggapin.

Iba talaga ang magaling!

Mikael, enjoy sa pagiging ‘syota ng bading’

Parang hindi naman yata totoo ang tsikang nag-react ang family ni Mikael Daez sa tag sa kanya sa trailer ng Temptation Island  na “syota ng bading” at ni-request sa Regal Films at GMA Films na tanggalin dahil ginagamit pa rin hanggang ngayon.

Ilang beses namin napanood ang trailer at talagang pinapakinggan ng husto ang tag line sa bawat karakter at ‘yun pa rin ang tag line sa karakter ni Mikael.

Saka, hindi naman yata apektado ang binata dahil nang sabihin sa kanya ni Joey Abacan na keri niya ang role ng “syota ng bading,” malakas na tawa ang reaction.

Sa July 6 pa ang showing ng Temptation Island  at hindi pa rin lumalabas ang karakter ni Mikael sa Amaya, pero marami na ang nakakakilala sa kanya.

Sa special screening ng epic serye, ang daming nagpa-picture sa kanya at nakikipag-usap na fans at narinig naming Lumad na ang tawag sa kanya.

vuukle comment

ACTOR

ANDOY RANAY

CHERIE GIL

CLAUDINE BARRETTO

JEAN GARCIA

JOEY ABACAN

MIKAEL

TEMPTATION ISLAND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with