AiAi at Vic nagsama para kalabanin si Bong
Nasa kalagitnaan na ng taon kaya paspasan na sa pagsisimula ng kanilang pang-Metro Manila Film Festival (MMFF) entries ang maraming producer ng pelikula. Si Sen. Bong Revilla, Jr. nga, matagal nang sinimulan ang kanyang pinakahuling Ang Panday. Ganundin si ER Ejercito na hindi pa man nagsisimula ang principal photography ng kanyang historical epic, ang pagplano naman nito ay matagal nang sinimulan, kakulangan na lamang sa cast ang pinupunan.
Next to start their entry ay ang Star Cinema na hanggang ngayon ay tumatabo pa sa takilya ang In the Name of Love. Balitang si Bossing Vic Sotto ang kinukuha para magbida ng kanilang pelikula at makakasama nito si AiAi delas Alas. Kung dati ay magkalabang mortal ang dalawa sa takilya, ngayon ay magsasanib-puwersa sila laban kay Bong sa isang tinatayang pinaka-nakakatawang pelikula ng film production arm ng ABS-CBN, ang Star Cinema.
Ewan lang kung si Tony Y. Reyes pa rin ang magdidirek ng pelikula na gamay na ng komedyanteng actor o isa sa mga homegrown directors ng nasabing kumpanya.
Follies de Mwah mas lalong gumaling
Pinakamagandang palabas na siguro ng Club Mwah sa pitong taon nilang pagbibigay ng mga panoorin na maituturing na world class at hindi nalalayo sa mga dinarayo ng marami sa Las Vegas ang Bedazzled 11.
Nag-birthday kamakailan ang isa sa dalawang nagpapatakbo ng Club Mwah na si Pocholo Malillin, ang ka-partner niya ay si Cris Nicolas na tumatayong artistic director ng lugar at siyang utak sa lahat ng mga Bedazzled shows. Nagbigay ito ng blowout sa kanyang club kapiling ang kanyang pamilya, kaibigan, at mga kasamahan sa negosyo. Bilang bonus, ipinapanood niya sa lahat ang Bedazzled 11, isang koleksiyon ng mga Las Vegas musicals (Chorus Line, Burlesque, Chicago, Dreams, etc.) at kahit na marami sa mga bisita ang nakapanood ng 10 Bedazzled shows tulad ko, namangha pa rin ako sa ganda ng mga production numbers, mas gumaling pa ang Follies de Mwah na maraming miyembro ang bago at magaganda, at bago lahat ng costumes at sets.
Malaki ang gastos sa ganitong mga palabas pero hindi ito gusto nina Pocholo at Cris na makahadlang sa kanilang misyong makapagbigay ng magandang panoorin sa publiko kaya nananawagan sila sa kanilang mga kaibigan na ipagkalat ang maganda nilang shows para naman patuloy silang makapagbigay ng world class entertainment.
Happy 60th birthday Pocholo and congratulations sa iyo! Cris, napaka-talented mo!
- Latest