Shalani, Kris, at Liz muntik nang magpang-abot!
Maliit talaga ang mundo. Kahapon ang birthday treat sa akin ni Pinky Tobiano sa Summer Palace ng Edsa Shangri-la Hotel.
Inimbitahan ng aking bestfriend Pinky si Shalani Soledad at nagpaunlak ito. Nagulat pa nga ako dahil hindi ko inaasahan na darating si Shalani na very busy ang schedule.
Nasabi ko na maliit ang mundo dahil nagkataon na nasa 8th floor naman ng Edsa Shangri-la Hotel si Kris Aquino at kasama nito si Liz Uy.
Hindi nagkita sina Kris at Shalani. As usual, walang reaksiyon si Shalani nang malaman nito na nasa iisang building lamang sila ng kapatid ng kanyang ex-boyfriend na si P-Noy.
Ang pagiging cool ni Shalani ang isa sa mga ugali niya na gustung-gusto ko. Hindi siya basta natataranta o naapektuhan ng mga kaguluhan sa kanyang paligid. Malayung-malayo siya sa ugali ko na hysterical.
Gandang-ganda ako kay Shalani dahil wala siyang make up. Pumayat na rin siya. May dapat panghinayangan ang ex ni Shalani.
May dapat daw panghinayangan o!
Kasama ni Mama Pinky sa birthday lunch si John Vincent Sepe, ang 18-year old UST student na nag-aambisyon na maging artista.
Moreno, matangkad, magaling kumanta at sumayaw si John. May potensiyal siya na makilala kaya pumayag ako na i-manage ang kanyang showbiz career.
Inglisero ang bagets dahil lumaki siya sa Cebu City. Magkikita kami ngayon ni John dahil ipapakilala ko siya sa mga bossing ng GMA 7.
Excited ang bagets dahil gustung-gusto niyangmaging artista.
Two years ago, may nag-alok kay John Vincent na isasali siya sa teen edition ng Pinoy Big Brother.
Tinanggihan ng bagets ang offer dahil priority niya ang pag-aaral. Nagtapos muna si John ng high school at ngayong college student na siya, nabuhay ang kanyang pangarap na pasukin ang showbiz.
Sayang dahil kahapon lamang kami nag-meet ni John. Kung napaaga ang aming pagkikita, tiyak na pinasali ko siya sa audition noon para sa bagong leading man ni Marian Rivera sa Amaya.
Pinoy na Pinoy ang itsura ni John kaya bagay na bagay siya sa epic serye ng GMA 7 na nagsimula noong Lunes ng gabi.
Pagod ni Marian nasulit sa rating
Congrats sa GMA 7 at sa cast ng Amaya dahil winner sa ratings ang pilot telecast ng kanilang show.
Ang bonggang rating ng Amaya ang proof na inabangan ang epicserye ni Marian na siguradong tuwang-tuwa dahil sulit ang kanyang pagod at madalas na pagpupuyat.
Cristalle hiwalay na sa Lebanese BF
Nalungkot ako sa balita na hiwalay na si Cristalle Belo-Henares sa kanyang Lebanese boyfriend.
Bagay na bagay pa naman sina Cristalle at Moussa Abdayam. Hindi ko pa alam ang tunay na dahilan ng paghihiwalay ng dalawa pero ayon sa aking source, noon pa on and off ang kanilang relasyon.
Hindi pa kami nagkikita at nagkakausap ni Cristalle. Kapag nagkita kami, ang true reason ng break up nila ni Moussa ang uusisain ko sa kanya.
- Latest