Away dahil kay Derek lumalala na, Angelica at Erich paghaharapin!
Balik sa Twitter si Angelica Panganiban, pero hindi nagtu-tweet sa isyung pagka-link ng boyfriend niyang si Derek Ramsay kay Erich Gonzales na nakabubuti dahil hindi lumalaki ang isyu. Ang tanging na-tweet lang nito’y ang sagot sa tanong ng isang follower niya kung bakit parating nali-link si Derek sa ibang babae.
Ang sagot ni Angelica ay very tame na “Friendly kasi,” at wala ng ibang sinabi. Nakakapanibago, but on the other hand, nakatutulong para hindi na pagpiyestahan ang isyu.
Saka, balitang imi-meeting ni Mr. Johnny Manahan sina Angelica at Erich para magkausap at magkaintindihan ang dalawa.
Claudine tuloy na ang trabaho sa Iglot
Kundi babaguhin ang schedule, bukas na ang storycon ng soap ni Claudine Barretto sa GMA 7 at kundi rin mababago, Iglot ang title ng soap at malalaman n’yo kung bakit ’yun ang title.
Heto pa, kundi rin mababago, sina Jolina Magdangal, Luis Alandy, at Marvin Agustin ang makakasama ni Claudine sa Iglot. Ibinabalik dito ang tambalan nina Jolina at Marvin at may importanteng role rin si Luis.
Si Gil Tejada ang direktor ng family drama na ngayong June ang airing. After the presscon, malalaman kung sino pa ang makakasama ng apat at makikilala rin ang bata na may malaki at importanteng role sa Iglot.
Nauna nang nag-storycon ang bagong soap ni Raymart Santiago na Futbolilits kasama si Jennlyn Mercado at mga batang artista.
Lovi walang effort lumandi
Si Lovi Poe ang pinaka-sexy ang litrato sa The Black Book ng GMA Artist Center, siya lang ang naka-swimsuit, kaya tinalo ang mga nagpakita ng tiyan, cleavage, at hita. Si Lovi, isang pose lang in her black swimsuit, talo na ang iba, sayang at hindi for sale ang The Black Book.
Hindi namin maisip kung bakit hindi ginagamit ng Captain Barbell ang kaseksihan ni Lovi. Pati male fans, nagtatanong kung bakit balot na balot ang aktres sa serye gayong ang seksi-seksi naman.
Samantala, naaliw si Lovi sa seduction scene niya kay Aljur Abrenica sa Temptation Island. First time niyang ginawa ito, nahiya at nahirapan siya sa simula, pero gentleman daw si Aljur, kaya naging komportable siya.
Sa tanong kung bitch siya. Sagot niya, “Sometimes we are all bitches, we just have to release it. Naglandi ako sa movie dahil walang lalaking nagkakagusto sa akin.”
Joross overwhelmed kay Susan Roces
Overwhelming para kay Joross Gamboa ang makasama sa Babaeng Hampaslupa ang mga veteran stars na sina Ms. Susan Roces at Eddie Garcia ng sabay. Kahit ika-apat na araw na siyang nagti-taping nang makausap namin, hindi pa rin nawawala ang excitement at nerbiyos nito.
- Latest