Aktor nakipag-relasyon sa aktres na 'di masyadong matalino
Maapektuhan kaya si Arnold Schwarzenegger kapag nalaman niya na diring-diri ako sa kanya?
Napanood ko kasi noong Linggo ang TV report tungkol sa pagtataksil ni Arnold sa kanyang misis na si Maria Shiver at sa totoo lang, nandiri ako sa kanya.
Maganda at matalino si Maria pero nagawa pa rin ni Arnold na lokohin siya. Pinatulan ni Arnold ang kanilang kasambahay at nagkaroon pa sila ng isang anak.
Nakaka-relate ako sa pain na nararamdaman ni Maria kaya tama lang na hiwalayan niya ang kanyang mister.
O ’di ba, umiral na naman ang pagiging social climber ko dahil si Arnold na ang tinatalakan ko? From Obama to Bin Laden to Schwarzenegger!
On second thought, baka naman katulad si Arnold ng isang aktor na kakilala ko na may maganda at matalinong misis na walang kinalaman sa showbiz.
Nakipagrelasyon ang aktor sa isang aktres na hindi katalinuhan dahil ayaw na raw niya ng girl na over acting ang intelligence.
Nasawa siguro ang aktor sa mga smart women dahil genius ang kanyang mother at matalino rin ang misis niya. Gusto siguro ng aktor na ma-feel na siya ang mas matalino sa babae kaya nakipagrelasyon siya sa aktres na limitado ang kaalaman. Limitado raw o!
Andres… ni Cesar bongga ang rating
Happy si Cesar Montano, ang cast at production staff ng Andres de Saya dahil mataas ang rating ng pilot telecast ng kanilang sitcom.
Hindi ko napanood ang unang episode ng Andres de Saya noong Sabado dahil dumalo ako sa silver wedding anniversary celebration nina Sen. Bong Revilla, Jr. at Rep. Lani Mercado.
Nag-text brigade kahapon ang staff ng Andres de Saya dahil tuwang-tuwa sila sa good news na mataas ang rating ng kanilang sitcom na umabot ng 9.9.
Mga dating alaga, may get-together sa birthday ni Douglas Quijano
Nagkita kami nina Richard Gomez at Rep. Lucy Torres sa wedding anniversary reception nina Bong at Lani.
Si Lucy ang unang nagsabi na binabalak niya na magkaroon ng get together sa birthday ni Douglas Quijano sa July ang kanyang mga alaga at kaibigan.
Nakarating yata kay Lucy ang pagtatampo ko noong nakaraang taon dahil hindi nagkaroon ng misa para sa death anniversary at birthday ng aking best friend.
Ipina-cremate ang mga labi ni Dougs nang mamatay ito noong 2009. Pinaghati-hatian ng mga alaga niya ang kanyang abo kaya walang puntod na puwedeng dalawin siya. Ito ang isa sa disadvantage kapag ipina-cremate ang isang yumao. Talagang memory lamang niya ang matitira.
Naiintindihan ko na ngayon ang pasya ni US President Barack Obama na huwag ipalibing ang labi ni Osama bin Laden. Tama ba na i-connect ko si Dougs kay Bin Laden?
Maraming salamat Pinky…
Maraming salamat sa aking best friend Pinky Tobiano dahil sa birthday lunch na ini-organize niya para sa akin.
Noong May 20 pa ang birthday ko at dahil busy si Pinky, naghanap siya ng libreng araw para sa birthday treat niya sa akin sa Summer Palace ng EDSA Shangri-La Hotel. Maraming salamat Pinky!!!
- Latest