Guests nina Sen. Bong at Rep. Lani halos 'di magkakitaan sa rami!
Maayos na nairaos ang 25th wedding anniversary nina Sen. Bong Revilla, Jr. at Rep. Lani Mercado noong Sabado.
Malakas ang buhos ng ulan pero hindi nito napigilan ang renewal of vows ng senador at congresswoman sa The Shrine of St. Therese of the Child Jesus sa Villamor Airbase, Pasay City.
Ang malakas na ulan ang dahilan kaya hindi umabot sa Startalk ang footage ng arrival nina Bong at Lani, pati na ng mga bisita sa The Shrine of St. Therese.
Normal na kasi na bumabaha sa Metro Manila kapag malakas ang ulan at matinding trapik sa EDSA ang kasunod nito.
Hindi man nakaabot sa Startalk ang video, ipinalabas kahapon sa Showbiz Central ang mga sidelights ng renewal of vows at mapapanood ang kabuuan nito sa TV special na ipalalabas sa GMA 7 sa June 5.
* * *
Mula sa Startalk, dumiretso ako sa The Harbour Tent ng Sofitel Philippine Plaza para sa reception ng silver wedding ng aking mga alaga.
Type ko ang magandang ayos ng Harbour Tent at ang imported flowers na ginamit bilang center piece sa table.
Punumpuno ng mga bisita ang reception hall kaya hindi ko na nakita ang pagdating ng ibang guests.
Nagulat pa nga ako nang ma-sight ko si Lorna Tolentino dahil may nagsabi sa akin na hindi na siya tutuloy sa reception.
Hindi ko namalayan ang pagdating ni LT at ng ibang mga secondary sponsors gaya ng mag-asawang Congressman Manny at Jinkee Pacquiao.
Nakita ko na lang sila nang lapitan ko sina Bong at Lani sa presidential table. Naloka ako kay Manny dahil hindi pa niya nalilimutan ang relo na hinarbat ko sa kanya noon.
Hinahanap ni Manny ang relo na hindi niya nakikita na ginagamit ko. Mapipilitan ako na isuot ang relo para ma-prove ni Manny na pinahahalagahan ko ang mga bagay na hinaharbat ko sa kanya or else, hindi na ako makakaulit.
* * *
Dalawang Manny na parehong richie rich ang nakausap ko sa Harbour Tent, ang Pambansang Kamao at si Papa Manny V. Pangilinan, ang big boss ng TV5.
Kung ikinaloka ko ang paghahanap ni Manny sa relo na ibinigay niya sa akin, shocked ang beauty ko kay Papa MVP dahil alam nito na hindi ako sumipot sa simbahan.
Ikinuwento ni Papa MVP sa akin na pinapanood niya ang Startalk habang papunta siya sa The Shrine kaya knows niya na hindi ako magmamartsa sa simbahan. Touched ako kay Papa Manny dahil sa kanyang madalas sabihin na pinapanood niya kami ni Papa Ricky Lo sa Startalk.
* * *
Nabundat ako sa mga pagkain na handa sa renewal of vows nina Bong at Lani. Halos hindi ko maubos ang pagkain dahil sa large serving.
Napansin ko na hindi naubos ng ibang mga bisita ang food na inihain sa kanila dahil nabusog agad sila. Ganyan kabongga ang celebration ng silver wedding anniversary ng mag-asawang Revilla.
At sa rami talaga ng mga guest, hindi ko nalaman na naroroon din ang Gutierrez family, si Papa Joseph Estrada at ang ibang mga showbiz personalities.
Ang feeling ko pa naman, makikita ko ang lahat ng mga bisita dahil malapit sa entrance ng Harbour Tent ang mesa namin.
* * *
Naloka rin ako kay Chaye Cabal dahil engaged na pala sila ni Bacoor Mayor Strike Revilla.
Ipinakita sa akin ni Chaye ang engagement ring na ibinigay sa kanya ni Strike, isang pruweba na malapit na rin sila na lumagay sa tahimik.
Sorry na lang sa ibang girls na nag-iilusyon kay Papa Strike dahil taken na ito. Abangan na lang natin ang announcement ng kasal nina Papa Strike at Chaye na anak-anakan din ni Papa MVP.
- Latest