ABS-CBN nanalo ng Gold Award sa maayos na pamamalakad
Manila, Philippines - Ginawaran ng gold award ang ABS-CBN Corporation bilang pagkilala sa mahusay nitong pamamalakad ng kumpanya. Ang parangal ay mula sa Institute of Corporate Directors (ICD).
Ang ABS-CBN ay nagkamit ng score na 95% sa Corporate Governance Scorecard ng ICD. Mataas ito ng tatlong puntos mula sa nakamit na grado ng kumpanya noong nakaraang taon na 93%. Patunay lamang ito na ang ABS-CBN ay nanatili bilang isa sa mga kumpanyang may pinakamaayos na pamamalakad.
Kasama ang iba pang kumpanya mula sa iba’t ibang mga sector, ang ABS-CBN ay binigyan ng grado base sa sumusunod: rights of shareholders, equitable treatment of shareholders, role of stakeholders, disclosure and transparency, at board responsibilities in the country.
Ang parangal ay iginawad sa ginanap na 8th ICD Annual Dinner noong Miyerkules (May 25) sa The Manila Peninsula. Sina ABS-CBN chief finance officer Ron Valdueza at corporate communications head Bong Osorio ang tumanggap ng parangal.
Ang ICD ay isang premyadong organisasyon sa Pilipinas na may layuning itaas ang kalidad ng pamamalakad ng mga kumpanya sa bansa.
- Latest