^

PSN Showbiz

Pagtulong sa pagpapayat ng 12 na bigatin sisimulan na ni Mega

- TV UPDATE -

MANILA, Philippines - Promising ang promo ng bagong programa ni Megastar Sharon Cuneta.

Haharapin  na kasi ng 12 ‘bigating’ Pinoy ang dambuhalang hamon ng buhay ngayong Lunes (Mayo 30) sa pinakaaabangang pagsisimula ng isa sa pina­ka­malaking reality show  sa bansa, ang The Biggest Loser Pinoy Edition.

Sino kaya sa kanila ang magagawang magbawas ng pinakamala­king por­siyento ng timbang para mabago ang takbo ng kanilang buhay, at ma­pa­nalunan ang premyong P1 milyon, isang condominium unit mula sa DM­CI Homes, at isang Vespa scooter bilang ‘Ang Kauna-unahang Pinoy Biggest Loser.’

Tampok  din  sa  pinakabagong  reality  show  ng  ABS-CBN ang pagbabalik ng nag-iisang  Megastar.  Makakasama niya ang aktor at sports  enthusiast  na  si  Derek  Ramsay  na  magsisilbing  game master ng programa.

Nitong  nakaraang linggo ay isa-isang ipinakilala ang 12 kalahok - pitong la­la­ki  at  limang babae - na may kanya-kanyang kuwento na nakakaantig ng puso at kapupulutan ng inspirasyon.

Nais  ng  arkitektong si Alan Choachuy na pumayat para maabutan pa niya ang mga  magiging  apo. Si Art Mendoza, na kahihiwalay sa asawa, ay marami pang nais magawa sa kanyang buhay. Dati nang mataba si Eboy Bautista, pero simula nang yumao ang kanyang ama ay naging balisa siya tungkol sa kanyang kalusugan.

Nariyan  din  si  Eric  Limatog,  na  pagkain  ang  naging  takbuhan tuwing nalulungkot  dahil  sa  pagkakasakit  ng  ina.  Ayaw  naman ni JM Oloris na pag­ta­wanan ang mga anak niya dahil sa kanyang pangangatawan.

Si  Raffy Tan, na nawalan ng mga magulang sa isang malubhang krimen, ay gus­­tong maging ma­lakas  para  mabigyan  ng  magandang  kinabu­kasan  ang  ka­patid. Samantalang, nais ni Ryan Raz`yat para makapagdalang-tao, at si Winwin Cabinta, na palaging napagkakamalang tomboy dahil sa laki ng katawan.

Ang  mga  anak  naman ang inspirasyon ni Edden Cruz sa pagsali, saman­talang nais  naman ni Hazel Chua na maging proud ang magulang niya sa kan­ya. Giit naman ni Joy Siy, ang kanyang pagsabak sa programa ay para sa kanya.

Hahatiin  sa  dalawang grupo ang mga contestant. Ang U.S. certified fitness specialist  at  mixed  martial artist na si Chinggay An­drada ang trainer ng Red  Team,  samantalang ang sports scientist at national team trainer na si Jim Saret ang magsasanay sa Blue Team.

Kada  linggo  ay  sasabak  sa timbangan ang da­la­wang grupo. Ang team na mas mataas na timbang ang nawala ang maliligtas sa eliminasyon. Samantalang ang talong grupo ay kailangang pumili ng tatanggalin sa kanilang team.

Ani  Mega, nais ng progra­ma na baguhin ang buhay ‘di lamang ng mga kalahok kundi  ng sambayanang Pilipino. Ani­ya, makakatulong ang mga impormasyon na hatid ng prog­rama sa pangangalaga nila sa kani-kanilang kalusugan.

“Tandaang  kapag  pinili mong magkaroon ng healthy life­style, nabibigyan ka ng  mas  mahabang  panahon  para  ma­ging  isang  ama, ina, anak, ka­patid at kaibigan sa mga taong ma­lalapit sa iyong puso,” paalala ni Sharon.

Magkakaroon ito ng primer na pinamagatang  Bi­ga­ting  Simula:  The  Road  to  the  Biggest  Lo­ser  Pinoy Edition, ngayong  Linggo  (May  29),  11:15 a.m. sa ABS-CBN.

Abangan din ang nakakagulat  na twist sa pilot epi­sode ng The Biggest Loser Pinoy Edition sa  Lu­nes  (Mayo  30),  pagkatapos  ng Mara  Clara sa Prime­time Bida ng ABS-CBN.

Supah Party sa ASAP

Isang bonggang ASAP Supah Party All  You Can ang hatid ng mga sikat na Kapamilya stars ngayong Linggo kasama sina Piolo Pascual,  KC Concepcion, Luis Manzano,  Billy Crawford at Jericho Rosales.

Sing All You Can kasama sina Christian Bautista,  Karylle, Toni Gonzaga, Erik Santos, Vina Mo­rales, Jovit Baldivino, Jed Madela, Yeng Cons­tantino, Nikki  Gil,  Angeline Quinto,  ASAP Sessio­nistas, Zia Quizon at birthday celebrators  na sina ZsaZsa Padilla at Sam Milby.  

Hataw All You Can naman sina  Kim Chiu, Maja Salvador, Rayver Cruz, Dance Quad’s Enchong Dee, Empress, Jessy Mendiola Sam Concepcion,  Bugoy Carino,  Brenna,  Velasco Bros, XB Gen­san, ASAP Supahdancers G-Force, Pilipinas Got Talents’s first batch of grand finalists, Ms. Earth Philippines Top Ten Finalists, at ASAP Supah Dance Off finalists.

Babandila rin ang mga Primetime favorites na sina Julia Montes, Kathryn Bernardo, Diego Loy­zaga, at Albie Casino kasama ang buong cast ng  Mara Clara na ending na sa Friday.

Bibida rin sina Diether Ocampo at Bea Alonzo para sa pinaka-bagong action serye na Guns and Roses. (AV)

ALAN CHOACHUY

ALBIE CASINO

ANG KAUNA

ANG U

ANGELINE QUINTO

BEA ALONZO

BIGGEST LOSER PINOY EDITION

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with