Marian dumami ang pera dahil sa parrot fish
Kabilang sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa mga imbitado sa 25th wedding anniversary nina Sen. Bong Revilla at Congw. Lani Mercado ngayong Sabado. Parehong kasama ni Marian ang mag-asawa sa mga project niya, si Lani sa Amaya at si Bong sa pelikulang Panday 2.
Tsika ni Marian, nakuwento raw ni Bong sa kanya na biniro nito si Lani na ang anak niya sa Amaya ay leading lady niya sa Panday 2. Ibinalita na tuloy ni Marian na naging dragon na siya sa pelikula nila ni Bong at lumipad na siya.
Samantala, dahil hindi takot sa ahas, mabilis na nakukunan ni direk Mac Alejandre ang mga eksena ng aktres kasama ang kambal niyang ahas na kulay orange. Four different snakes pala ito at ‘yung pinakamalaki ang madalas niyang kaeksena na kahit walang pangil, maaligasgas daw hawakan.
In real life, parrot fish (dinescribe pa nito ang hitsura using her lips) ang alaga ni Marian na pinapakain niya bago siya umalis ng bahay. Turo ng Chinese friend niya ang mag-alaga ng parrot fish dahil suwerte at nagpaparami ng pera.
Two pairs na magdyowa raw ang alaga niya na binili niya at P175 each.
Lola may sakit, mommy at mga kapatid parang parating may problema
Rufa Mae nawalan ng ganang mag-celebrate ng birthday
Birthday kahapon ni Rufa Mae Quinto, pero wala siyang party at hindi na rin itinuloy ang birthday concert dahil panay ang biyahe nito at dahil sa Temptation Island. Sa shooting ng nasabing pelikula nga siya inabot ng birthday at ‘dun na rin kinantahan ng birthday song ng mga kasama sa pelikula.
Isa pang rason kung bakit ayaw mag-celebrate ng kaarawan ni Rufa Mae ay dahil sa lola niyang hindi pa nila alam kung ang kidney o liver ang may deperensiya. Hindi pa ito na-i-scan dahil nasira ang machine na gagamitin.
“Nakakawalang ganang magpa-party kung may sakit ang lola ko lalo’t hindi pa alam ang sakit niya. Ang birthday wish ko ay gumaling siya at maging happy ang mommy at mga kapatid ko na parang laging may mga problema,” sabi ni Rufa Mae.
‘Katawa lang si Rufa Mae dahil matagal nang kilala si Azenith Briones, pero hindi alam na isa ito sa mga bida ng movie na ni-remake ng Regal Films at GMA Films kung saan kasama siya. Pero role ni Deborah Sun na may pangalang Nympha at yaya ni Lovi Poe ang kanyang role.
Cesar may pangarap na namang natupad
Sobrang na-touch ang senior actresses na sina Gloria Romero at Caridad Sanchez sa sinabi ni Cesar Montano na malaking karangalan para sa kanya na makasama sila sa Andres de Saya. Noong nasa Sta. Ana Manila pa raw siya, pangarap lang niyang makasama ang dalawang aktres at natupad na nga ngayon.
Eere na mamaya after 24 Oras Weekend ang Andres de Saya na mapapanood din simula June 4 sa Middle East at June 5 sa US at Asia Pacific via GMA Pinoy TV, ang international channel ng GMA Network.
Wendell wini-wish si Aga
Ngayong nasa TV5 na siya, wish ni Wendell Ramos na makasama sa project si Aga Muhlach na kagaya niya ay isa na ring Kapatid talent.
Idol ni Wendell ang mister ni Charlene Gonzales, kaya ganun na lang ang kagustuhan nitong makatrabaho ito.
- Latest