^

PSN Showbiz

Amy Austria wala pang go signal para magtrabaho

-

Lumabas na ng ospital si Amy Austria. Nagpapahinga na ngayon si Amy sa bahay nila ng kanyang mister na si Duke Ventura.

Halos isang buwan din si Amy sa ospital kaya hindi muna siya mapapanood sa Minsan Lang Kita Iibigin.

Okey na okey na ang kalagayan ni Amy at once na magbigay ng go-signal ang kanyang doktor, puwede na siyang bumalik sa drama series nila ni Lorna Tolentino na hindi ko nakakaligtaan na panoorin.

Habang hindi pa nakakapag-taping si Amy, si Boots Anson-Roa muna ang umako sa kanyang mga eksena.

‘Yan ang kagandahan sa mga teleserye. Nakakagawa ng paraan ang mga writer kapag hindi available ang mga artista dahil sa biglang pagkaroon ng sakit o emergency cases.

Sandy at Boyet nakapag-recharge sa New Zealand

Dumating na ang mag-asawang Sandy Andolong at Christopher de Leon mula sa kanilang ilang linggong bakasyon sa New Zealand.

Na-recharge sina Sandy at Boyet dahil nakapagpahinga sila nang husto sa magagandang lugar na kanilang pinuntahan nang dalawin nila ang anak na si Mariel na nag-aaral doon ng culinary arts.

At dahil mahaba-haba ang kanilang pagpapahinga, ready na ang mag-asawa na sumabak sa trabaho. Balik-taping si Boyet sa Captain Barbell at may bagong drama series na uumpisahan si Sandy.

Natakot...

Hindi natuloy ang taping namin kahapon para sa Family Feud, ang game show ni Edu Manzano. Ang mga kasamahan ko sa Tweetbiz at kapwa entertainment writers sana ang kakampi ko.

Pero wala raw nabuong grupo dahil natakot ang mga artista na labanan kami.

Nita nagdagdag ng mga eksena

Extended ang Nita Negrita dahil halos kasisimula pa lamang ng taping ng Sentensyada.

Matagal nang nakunan ang ending ng Nita Negrita at dahil extended ito, nagdagdag ng mga eksena.

May taping kahapon ang cast ng Nita Negrita at kung hindi ako nagkakamali, sa June 3 pa ang kanilang last taping day.

‘Uunahin ko muna ang startalk’ bago ang kasalan

Sure ang pagpunta ko sa renewal of vows nina Bong Revilla at Lani Mercado. Hindi ako puwedeng mawala sa importanteng araw sa kanilang buhay dahil kabilang ako sa mga ninang.

Pero siyempre, mahalaga rin sa akin ang Startalk kaya aapir muna ako sa show namin nina Ricky Lo, Butch Francisco at Joey de Leon.

Panoorin ninyo ang Startalk dahil ipapakita namin ang ilang mga eksena sa simbahan na pagdarausan ng renewal of vows nina Bong at Lani.

Sharmaine arnaiz, balik-shobiz na rin

Balik-showbiz na rin pala si Sharmaine Arnaiz dahil napapanood siya sa Munting Heredera.

Medyo tumaba si Sharmaine na walong taon din pala na nagpahinga sa pag-arte pero desidido siya na pumayat. Ang Flawless ang tumutulong kay Sharmaine para bumalik ang kanyang dating sexy figure.

Confident ang Flawless people na papayat si Sharmaine dahil sa kanilang Shape and Sculpt Program na very effective, ayon sa mga loyal client ng Flawless.

vuukle comment

AMY AUSTRIA

ANG FLAWLESS

BOYET

DAHIL

NEW ZEALAND

NITA NEGRITA

SHARMAINE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with