Phillip Salvador na nanghihingi ng datung sa Facebook itinanggi ng aktor
Isang tawag ang aming natanggap mula kay Phillip Salvador one afternoon para lamang ibalita sa amin na may gumagamit sa kanyang pangalan sa Facebook at ginagawa ito para makapag-solicit ng pera. Ayon sa drama-action star, wala siyang account kaya binigyan niya ng babala ang lahat na huwag itong patulan dahil may impostor na gumagamit sa kanyang pangalan para lamang makapambiktima ng kanilang kapwa.
May advantage sana ang mga social networking sites tulad ng Facebook, Twitter, at YouTube kung ito’y ginagamit sa magandang paraan pero kung ito’y inaabuso at ginagamit para manira at mambiktima sa kanilang kapwa, masama na ’yun.
For sure, hindi lamang si Ipe ang biktima ng pekeng Facebook account at iba pang websites kundi marami pang iba.
Rima ayaw nang pag-usapan si Diether
Pagkatapos ng fashion show ng Wrangler jeans na ginanap sa Atrium of Mall of Asia kamakailan lamang ay tumuloy kami nina Jojo Gabinete, Pilar Mateo, Ricky Calderon, at Lito Manago sa Toki Japanese restaurant sa Bonifacio Global City para mag-dinner nang dumating sa nasabing restaurant ang ex-girlfriend ni Diether Ocampo na si Rima Ostwani kasama ang publishing executive na si Philip Cu-Unjieng. Although nag-aartista na rin si Rima, meron siyang regular job sa JTKC Land bilang deputy director of services.
Ang JTKC ay ang developer at may-ari ng Discovery Suites. Sa nakita namin kay Rima, mukhang nakapag-move on na ang dalaga sa break-up nila ng aktor na nali-link naman ngayon kay Kris Aquino.
Ayon kay Rima, hindi issue sa kanya kung kanino man ma-link si Diether ngayon dahil wala na sila.
Warm at amiable si Rima kahit first time pa lamang kaming nagkaharap ng personal.
Matandang kasabihan nagkatotoo kina Erap at Chavit
Muli na namang nagkatotoo ang matandang kasabihan, Salve A., na naghihilom ang sugat sa takdang panahon.
Sa birthday ni Mommy Dionisia, nag-share sa isang mesa ang dating malapit na magkaibigan na naging mortal na magkaaway — sina dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada at Ilocos Sur Gov. Chavit Singson.
Muling nagkita ang dalawa sa victory party na ibinigay ng gobernador kay Manny Pacquiao last Sunday na anak-anakan na niya sa Corinthian Garden Clubhouse.
Mara Clara tagumpay
Muling nagtagumpay ng ABS-CBN nang kanilang buhayin ang pinaka-successful soap opera on Philippine television, ang Mara Clara na siyang naglunsad to stardom kina Judy Ann Santos at Gladys Reyes na kahit mortal na magkaaway sa nasabing teleserye ay naging best of friends sa tunay na buhay.
Many years later, heto na ang mga neophytes – Kathryn Bernardo and Julia Montes na ngayon ay pareho na ring household names.
Kung sinusubaybayan ng balana ang Mara Clara, tiyak na hindi bibitaw ang mga manonood sa huling episodes ng programa na magtatapos na ngayong June 3 lalo’t umiigting ang mga natitirang eksena.
Speaking of the lead stars, sina Kathryn at Julia ang featured cover ng Star Studio magazine sa buwan ng Hunyo.
- Latest