Dyowa ni Enchong ibinuko ni AJ
Kahit kaoopera pa lamang sa appendix ni AJ Dee ay pinayagan na ito ng doktor niya na gumawa ng mga fight scenes sa Amaya. Isang mandirigma ang role ni AJ sa nasabing serye.
Sinabi nito na ang kapatid niyang si Enchong Dee ang gumastos sa kanyang ope-rasyon. Mahigit isang daang libong piso ang ibinigay nitong pantulong sa operasyon ni AJ.
“Hindi ko ito hiningi sa kanya, kusa niya itong ibinigay sa akin,” ang may pagmamalaking sabi nito tungkol sa kapatid na aminado siyang hindi niya ka-close dahil “Mas close siya sa ibang mga kapatid namin.”
May non-showbiz girlfriend si AJ at ganun din si Enchong.
“Hindi siya nagsasabi, feel ko lang. Hindi rin siya nagkukuwento pero pareho kaming lalaki kaya alam ko kung single siya o hindi,” dagdag pa ng kuya ni Enchong.
Amaya matagal pinaGdebatehan
Balita ko pinagdebatehan pa ng pamunuan ng GMA 7 at ng mga tumatayong producer ng bagong seryeng Amaya na nagtatampok sa Reyna ng Primetime ng istasyon ang malaking budget nito. Bukod sa cast nito na kakain ng malaki sa budget, malaki rin ang gastos sa pagpapalipat-lipat ng produksiyon ng lugar sa Bolinao, Morong, Calatagan, Pagsanjan, Marilao, at marami pang ibang lugar na ginagawa nilang location. Idagdag pa ang mga costumes ni Gino Gonzales na binili pa sa Singapore, ang production design ni Rodell Cruz, mula sa mga makatotohanan at makukulay na set na itinayo sa maraming lugar at ang warship na Karakoa na itinayo ng hindi kukulangin sa 50 katao at nagkakahalaga ng milyo-nes, talagang hindi pa nagsisimula ang Amaya ay malaking halaga na ang lumabas sa kaban ng network.
Sam ang lakas ng dating sa commercial
Sa lakas ng hatak ng TV commercial ni Sam Pinto kung saan ay ipinakikita niya ang gandang dulot ng isang produkto ng pampapayat sa kanyang pangangatawan and which could easily earn for her the title of Bikini Queen dahil talagang pinaka-maganda siyang magdala ng bikini, hindi ko sinasabi na pinakamaganda ang katawan niya, kailangan pa ng konting liit ng bewang, pero siya ang may pinaka-smooth na skin, walang pekas ang katawan at walang nakikitang tattoo, kung meron man.
Jake nahahabol na ni Aki
Hindi lang si Jake Vargas ang happy para kay Hideaki Torio, ako rin. Isa ako sa mga tumulong dito nung bago pa lamang siyang ini-expose ni Kuya Germs sa Walang Tulugan. Hindi pa siya marunong mag-Tagalog kaya talagang nakakatawa siya.
Nang makuha siya ay panay ang pakiusap ni John Nite sa mga kakilala nitong press para isulat si Aki. Magkasabay sila ni Jake pero siguro dahil mas magaling mag-Tagalog si Jake at marunong kumanta at tumipa ng gitara kung kaya naunahan siya nito.
Pero hindi na napag-iiwanan ng malayo ni Jake ang kanyang Japino friend. Nasa Viva na ito at inilagay siya sa TV at kasama na ngayon sa bagong serye ng TV5 na Bagets.
- Latest