^

PSN Showbiz

Bahay ng produ ng Magnifico nasunog!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Lagare kahapon ang entertainment writers dahil magkakasabay ang mga presscon ng GMA 7, Regal Films, ang set visit sa Babaeng Hampaslupa at ang launching ng Black Book ng GMA 7.

Invited ako sa presscon ng Sisid at launching ng Black Book pero hindi ako nagpunta dahil upset ako kahapon.

Ikinalungkot ko ang balita na nasunog ang bahay ni Madam Violet Sevilla, ang big boss ng Violett Films.

Si Madam Violet ang produ ng mga pelikula nina Vhong Navarro, Bayani Agbayani, Senator Lito Lapid at siya rin ang producer ng pelikula noon ni Congresmman Manny Pacquiao.

Ang Magnifico ang biggest contribution ng Violett Films sa local entertainment industry. Ang Magnifico ang award-winning movie ni Maryo delos Reyes na idineklara ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino bilang isa sa sampung pinakamahuhusay na pelikula ng dekada.

Hindi ko pa nakakausap si Madam Violet mula nang masunog kahapon ang bahay nila sa Quezon City pero may nagkuwento sa akin na nag-declare ng fire out ang mga bumbero kaya ang akala ng lahat, safe na ang bahay.

Sa kasamaang-palad, sumabog ang mga LPG tank at ito ang naging dahilan para tuluyang gumuho ang bahay. Walang nailigtas na gamit si Madam Violet at ang kanyang pamilya.

Ikina-upset ko ang balita na nakarating sa akin pero survivor si Madam Violet kaya naniniwala ako na mabilis siyang makaka-recover sa malaking pagsubok na naranasan nila kahapon.

Lani nanggulat sa mukhang batang hitsura

Bongga ang presscon ng Amaya sa Studio 7 ng GMA Network Center noong Lunes ng dahil isa ‘yon sa mga primetime show na ginastusan ng Kapuso network.

Naki-cooperate ang buong cast dahil sinipot nila ang presscon. Busy na si Lani Mercado sa mga paghahanda niya sa renewal of vows nila ni Bong Revilla, Jr. sa darating na Sabado pero umapir siya sa bonggacious presscon ng Amaya.

Ginulat ni Lani ang press people dahil bagets na bagets ang kanyang itsura.Kinaiinggitan si Lani ng mga kababaihan dahil habang nagkakaedad, lalo siyang gumaganda.

Pareho sila nina Lorna Tolentino at Amy Austria na parang na-discover ang fountain of youth.

Masuwerte ang aking mga alaga dahil hindi sila nalolosyang. Marunong kasi silang mag-alaga ng kanilang mga katawan.

Mikael Daez dedma sa mga intriga

Bagay kay Mikael Daez ang role niya sa Amaya dahil Pinoy na Pinoy ang itsura niya. Kabilang si Mikael sa mga baguhang artista na very lucky dahil bida agad siya sa kanyang unang primetime show.

Never na naranasan ni Mikael na maging extra at magaganda ang mga project na ibinigay sa kanya ng Kapuso network. Desidido si Mikael na maging successful sa showbiz dahil ayaw niyang mapahiya sa mga tao na nagtiwala sa kanyang kakayahan.

Dedma si Mikael sa mga intriga na ipinupukol sa kanya dahil alam niya na bahagi ito ng showbiz.

Mas mahalaga sa kanya na pagbutihin ang pag-arte dahil magagaling na artista ang kasama niya sa Amaya.

Itim na libro inilunsad

Hindi man ako nagpunta sa grand launch ng Black Book, nag-promise ang staff ng GMA Artist Center na padadalhan nila ako ng kopya.

Obvious ba na kulay itim ang Black Book na nag­lalaman ng daring pictures ng mga contract star ng GMAAC.

Ang Black Book ang magsisilbing portfolio ng lahat ng mga artista ng GMAAC.

Collectors copy ang Black Book at malamang na mabili ito sa mga leading bookstore.

vuukle comment

AMAYA

BLACK BOOK

DAHIL

LANI

MADAM VIOLET

MIKAEL

MIKAEL DAEZ

VIOLETT FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with