Speed limit sa Commonwealth iimbestigahan kung nasusunod!
MANILA, Philippines - Pagkatapos mabuking ng mga otoridad si dating Batangas Gov. Antonio Leviste sa paglalabas-masok sa bilangguan, kanya-kanyang turo at sisi ang mga tauhan ng Bureau of Corrections kung sino ang dapat managot.
Ngayong Martes (May 24) sa Patrol ng Pilipino, ihahatid ni ABS-CBN correspondent Jorge Cariño ang pinakabagong kuwento mula mismo sa loob ng New Bilibid Prison.
Nakulong sa New Bilibid Prison para sa kasong homicide si Leviste noon pang 2009 dahil sa pagpatay sa kanyang kaibigan at close aide. Sa kanyang pagiging bilanggong-laya, marami ang nagtatanong kung ito raw ba ay dala ng impluwensiya at pera?
Samantala, susubukan naman ni ABS-CBN correspondent Jeff Canoy ang mga pampublikong bus na parang mga “hari ng daan” tuwing bumabaybay sa Commonwealth Avenue, Quezon City.
Nagtalaga na ng speed limit ang mga kinauukulan sa tinaguriang “killer highway” para maiwasan na ang mga aksidente, ngunit may epekto ba ito sa kasalukuyan?
- Latest