^

PSN Showbiz

Vilmanians umalma sa pagkukumpara ni Luis sa kanyang mommy at Jennylyn

- SEEN SCENE -

Seen : Ang reaksiyon ng Vilmanians na naging unfair si Luis Manzano sa kanyang ina, si Batangas Governor Vilma Santos. Hindi raw dapat ikinumpara ni Luis ang nakaraan ng kanyang ina sa sitwasyon ni Jennylyn Mercado.

Scene : Hindi tinanong si Jennylyn Mercado tungkol kay Dennis Trillo nang maging guest co-host siya sa Showbiz Central noong Linggo. Contract star si Dennis ng GMA 7 kaya hindi siya puwedeng siraan sa sariling bakuran.

Seen : Ang mga haka-haka na mauudlot ang namumuong special friendship nina Luis at Jennylyn dahil marami ang hindi boto na magkaroon sila ng relasyon.

Scene : Inasikaso nang husto ni Gov. Chavit Singson ang kanyang kaibigan na si ex-President Joseph Estrada nang dumalo ito sa victory party na inihanda niya para kay Congressman Manny Pacquiao.

Seen : Si Lovi Poe sa victory party ni Gov. Chavit para kay Manny Pacquiao. Muling nabuhay ang balita na hindi totoong hiwalay na si Lovi sa kanyang boyfriend na si Ronald Singson na nakakulong pa rin sa Hong Kong.

Scene : Naiinip na si Skip Woods dahil hindi pa isinosoli sa kanya ang high-end motorbike na napasakamay ng suspected car smuggler na si Allan Bigcas. Si Skip ang Hollywood writer na nagmamay-ari ng ninakaw na Chopper motorbike na nagkakahalaga ng apat na milyong piso at nakarating sa Pilipinas.

Seen : In love na in love pa rin si Mickey Ablan kay Iwa Moto kaya nahihirapan siya na hiwalayan ang kanyang asawa.

Scene : Extended ng another week ang Tweetbiz ng GMA News TV.

ALLAN BIGCAS

BATANGAS GOVERNOR

CHAVIT SINGSON

DENNIS TRILLO

HONG KONG

IWA MOTO

JENNYLYN MERCADO

JOSEPH ESTRADA

LOVI POE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with