^

PSN Showbiz

Jinkee excited na sa guesting ni Manny sa Glee

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Noong Linggo ay isang victory party ang ginanap sa Corinthian Gardens Clubhouse para sa tagumpay ng Pambansang Kamao na si

Manny Pacquiao

laban kay

Shane Mosley

kamakailan. Si Ilocos Sur Gov.

Chavit Singson

ang nag-organize ng nasabing pagdiriwang para kay Pacman.

Malalaking personalidad mula sa pulitika at showbiz ang dumalo sa party katulad nina Vice President Jejomar Binay, Ilocos Norte Representative Imelda Marcos, at former President Joseph Estrada.

“Every fight, every panalo niya ay nagse-celebrate tayo, bilang parangal sa ating pambansang kamao dahil siya naman ang nagbibigay ng karangalan sa Pilipino. Full support tayo diyan, national treasure eh,” pahayag ng gobernador.

Sobra ang pasasalamat ni Manny sa lahat ng mga tagahanga at kaibigan niyang pumunta sa kanyang victory party. Proud na proud si Jinkee Pacquiao sa patuloy na pagtatagumpay ng asawa sa boksing.

“Siyempre masaya na nakapagbigay ulit tayo ng karangalan sa Pilipinas. Proud tayong mga Pilipino, sana ay patuloy pa rin ang suporta nila kay Manny at ’yung pagdadasal nila para manalo siya sa laban niya ulit kay Marquez sa November,” nakangiting pahayag ni Jinkee.

Ano kaya ang masasabi niya tungkol sa hiling ni Mommy Dionisia na mag-retire na ang kanyang anak sa pagbo-boksing?

“Pareho kaming dalawa, puwede naman anytime si Manny mag-retire na kasi okay naman siya, stable na rin, pero gusto pa niyang lumaban. Masusunod pa rin ang kanyang kagustuhan,” sagot ng misis ni Pacman.

Napabalita rin kamakailan na posibleng mag-guest si Pacman sa US series na Glee kaya nagbigay din ng reaksiyon si Jinkee tungkol dito.

“Pagdating ni Michael Cons malalaman namin lahat, nasa Amerika pa siya eh. Siya ’yung adviser, guest lang naman, parang kakanta lang.

“Proud ako kay Manny, sana matuloy din, para mapuntahan namin at ma-witness kung paano ginagawa ’yung Glee, para makapunta kami roon at ma-meet namin sila,” balita ni Jinkee.

Sam Concepcion susubukang pantayan si Aj Perez

Kamakailan ay nag-camera test na sina Kathryn Bernardo at Julia Montes para sa kanilang launching movie mula sa Star Cinema. Marami talagang dapat abangan ang mga tagahanga ng dalawa sa nasabing proyekto.

“Ibang Kathryn and Julia ang makikita dito. Ibang-iba sa Mara Clara, may drama rin sa family pero merong love story din silang dapat abangan,” sabi ni Julia. Makakasama rin ng dalawa sa pelikula ang co-star nila sa Mara Clara na si Albie Casino. Si Sam Concepcion naman ang magiging ka-love team ni Julia.

“I’m really excited din na makatrabaho sina Albie, Kathryn, and Julia. Si Julia, masayang kasama, magaan kasama, kaya medyo comfortable rin akongmakatrabaho siya,” pahayag ni Sam.

Excited na rin si Julia sa kanilang pagtatambal ni Sam. Ang yumaong aktor na si AJ Perez dapat ang orihinal na gaganap sa role ni Sam, kaya naman sinisiguro ni Sam na gagalingan niya ang pagganap sa pelikula.

“I really want to do my best din ’cause I know AJ will do such a great job here. I’m gonna try to make him proud,” pangako pa ni Sam.    Reports from JAMES C. CANTOS

AJ PEREZ

ALBIE CASINO

CHAVIT SINGSON

JINKEE

JULIA

MARA CLARA

PACMAN

RIN

SAM CONCEPCION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with