Victory party ni Pacman dinagsa ng mga hindi imbitado
Successful ang victory party ni Ilocos Sur Gov. Chavit Singson para kay Congressman Manny Pacquiao dahil dumagsa ang mga bisita, invited at uninvited.
Natuwa ang mga bisita dahil ginanap ang victory party sa clubhouse ng Corinthian Gardens at hindi sa bahay ni Papa Chavit. Mas komportableng kumilos sa clubhouse dahil malawak ang lugar.
Matindi ang coverage sa victory party dahil kumpleto ang attendance ng mga reporters and TV crews ng GMA 7, ABS-CBN, at TV5.
Ang victory party ang headline kahapon sa mga news program dahil sa pag-apir ni Papa Joseph “Erap” Estrada na friend na uli ni Papa Chavit.
Nakadagdag prestige sa party ang presence ni dating First Lady Imelda Marcos at mga ambassador ng iba’t ibang bansa sa pangunguna ni US Ambassador Harry Thomas.
Dalawa sa mga alaga ko ang nagpunta sa party dahil very close sila kay Manny, sina Paolo Contis at Benjie Paras.
Maraming kuwento sina Paolo at Benjie tungkol sa magandang pag-aasikaso sa kanila ng Team Pacquiao nang magpunta sila sa Las Vegas at manood ng laban nina Manny at Sugar Shane Mosley. Hindi matapus-tapos ang kuwento nina Paolo at Benjie tungkol sa kabaitan ng mag-asawang Manny at Jinkee.
Ang sey ng aking mga source, bumaha ng pagkain at drinks sa victory party na ginastusan ni Papa Chavit.
Walang umuwing gutom at luhaan, thanks to Annabelle Rama na punong-abala sa pag-aasikaso sa entertainment press.
Tiniyak ni Bisaya na umuwi ng may mga ngiti sa labi ang showbiz press na hindi niya nakakalimutan na paimbitahan kapag may party si Papa Chavit para kay Manny.
Malapit sa mga Pacquiao ang Gutierrez family. Pinaghahandaan ng mga Gutierrez ang mga boxing fight ni Pacquiao bilang suporta sa Pambansang Kamao.
Kita n’yo naman, nag-advance taping si Richard para sa Captain Barbell dahil sa kagustuhan niya na mapanood ang laban ni Pacquiao.
Walang taping si Richard noong Linggo kaya nakadalo siya sa victory party ni Manny. Missing in action sina Ruffa at Raymond. Knowing Ruffa, pinili niya na makasama ang kanyang mga anak na sina Lorin at Venice dahil ilang araw siya sa Hong Kong para sa isang event ni Papa Manny Pangilinan. Bumawi si Ruffa sa mga anak na na-miss niya ng sobra.
Maraming salamat nga pala kay Manny dahil pinirmahan niya ang mga pictures at T-shirt na ibibigay ko sa Belgian friend ng aking kaibigan.
Number one fan ni Manny ang Belgian friend ng kaibigan ko at dahil hindi siya makapunta sa Pilipinas, gumawa ng paraan ang Belgian na magkaroon ng autographed souvenirs mula kay Manny.
Naghalungkat ako ng mga gamit na may kinalaman kay Manny at ito ang pinapirmahan ko sa kanya at ipadadala sa Belgian national na idol na idol siya.
Ganyan kasikat si Manny sa buong mundo.
- Latest