^

PSN Showbiz

Sigaw ng fans: Intriga kay Sarah, recycled na lang

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Nagri-react ang mga fans ni Sarah Geronimo sa ilang naglalabasang recycled na issue tungkol sa kanilang idolo.

Ayon sa e-mail na ipinadala ng fans ng Pop Princess, nagugulat sila at may ilang nagne-nega samantalang nasagot na raw ’yun dati pa ni Sarah.

Mas abala ngayon si Sarah sa promo ng kanyang One Heart album at sa isang buwan niyang bakasyon sa Amerika.

* * *

Masuwerte na si Jennylyn Mercado kay Luis Manzano. Though sinasabi ng aktres na hindi pa siya handang pumasok uli sa bagong relasyon dahil “nursing a broken heart” pa siya. Naku, dapat mag-isip-isip na siya!

Kay Luis, pati kinabukasan niya at ng anak niya, sure na sure na.

May manang bahay at mga condo si Luis sa kanyang Mommy Vilma Santos at Daddy Edu Manzano at may negosyong mga taxi ang actor-TV host.

Inamin na kasi ni Luis last Saturday sa E-Live ang tungkol sa pagdi-date nila ni Jennylyn.

“We are definitely dating,” sabi ng aktor kung saan naging close pala sila nang magkasabay sa training ng muay thai at jujitsu na sinimulang gawin ni Jennylyn pagkatapos nilang maghiwalay ni Dennis Trillo.

Inamin din ni Luis na noon pa ay nagagandahan na siya kay Jennylyn at may communication naman sila nito, ’yun nga lang isang tanong isang sagot. Pero nang magkasabay silang mag-training, doon na nagsimula ang lahat.

“’Yung exclusively dating, hindi pa fully tackled sa aming dalawa. Hindi pa namin talagang nauupuan at napag-uusapan ’yun. At siguro sa puntong ito, so far, everything has fallen into place. Siguro ang pagiging exclusive, whether it be unspoken na lang sa amin or ka­ilangan pang pag-usapan, isa iyon sa mga hakbang na kailangan pa naming pagdaanan sa kung anuman ang namamagitan sa amin,” ma­habang paliwanag ni Luis.

Mabilis din ang naging depensa niya sa issue ng pagiging dalagang ina ni Jennylyn. Na-anticipate niya marahil na makakatikim siya ng mga ne­gative reactions. Pero walang ma­­sama sa pagkakaroon ng anak ni Jennylyn. 

“Definitely any child is a blessing sa buhay. Ang masasabi ko lang sa ganoon eh, sa sinasabi nilang napakabata pa pero may anak na, and nababasa ko na napaka-negative na tao na ini-insinuate na napakasama na maging ina at her age at mahirap makipagrelasyon sa may anak na, ’di sana para na ring hinusgahan ang mommy ko. Dahil noong pumasok si Tito Ralph (Recto) sa buhay ni mommy, my mom had me,” maayos na paliwanag ng aktor na parang isang sign na seryoso siya sa Kapuso star dahil ang comparison ay sa mommy na niya at sa Tito Ralph niya.

At naipakilala na ni Luis si Jennylyn sa mommy niyang gobernadora.

Si Jennylyn ay katatapos lang magsalita tungkol sa naging karanasan niya mula pagkabata hanggang sa puntong naghiwalay sila ni Dennis Trillo. 

DENNIS TRILLO

EDU MANZANO

INAMIN

JENNYLYN

JENNYLYN MERCADO

KAY LUIS

LUIS

LUIS MANZANO

NIYA

ONE HEART

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with