^

PSN Showbiz

Charice inaayos na ang mga kanta sa gagawin nilang album ni Sarah

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Nakatakdang magsama sa isang project sina Sarah Geronimo at Charice.

Magsasama sila sa isang album kaya sigurado kaming ngayon pa lamang ay inaabangan na ito ng kanilang mga tagahanga. “Sabi niya, (Charice) simulan na niyang ayusin ‘yung album. Magsusulat na siya ng kanta, nakaka-amaze. Siya talaga ang nag-reach out, sana mag-push through,” bu­ngad ni Sarah.

Samantala, noong linggo ay iniwasan daw na makasama ng pop princess sa opening number ng ASAP Rocks sina Rayver Cruz at Cristine Reyes. Totoo ba ito Sarah? “Galing po ako sa Zamboanga, so hindi ako nakapag-opening, nag-show po kami, thank you po sa lahat ng nanood,” paglilinaw ni Sarah.

Katatapos lang mag-shoot ng dalaga ng kanyang music video para sa kare-release lang na One Heart album.

Derek at Angelica, magli-limang taon na!

Marami na ring pinagdaanang pagsubok ang relasyon nina Angelica Panganiban at Derek Ramsay. Sa September ay magli-limang taon na ang relasyon ng dalawa. Ngayon pa lamang ay mukhang pinaghahandaan na ng dalawa ang kanilang magiging selebrasyon sa kanilang special day na ito. “Wala pa kaming plan pero ito lang ang masasabi ko, siguradong may gagawin kami. Hindi pa concrete ‘yung plans namin on that special day. Oo nga, five years na kami and going strong,” nakangiting pahayag ni Derek.

Masaya ang aktor dahil kahit hindi pa niya nakikilala ng personal ang ama ni Angelica ay hindi lang daw niya minsan itong nakausap sa telepono. “Unfortunately, hindi ko pa siya nami-meet in person pero twice na kaming nag-usap sa phone, but seems he’s really cool guy. Over the phone we get along. Ako raw ang magiging personal driver niya when he goes here,” kuwento pa ng hunk actor.

Luis aamin na tungkol sa kanila ni Jennylyn

Noong isang linggo ay naging usap-usapan ang diumano’y espesyal na relasyon daw nina Luis Manzano at Jennylyn Mercado. Tinanong si Luis tungkol dito pero naging matipid ang kanyang mga sagot.

Bukas ay dapat nating pakaabangan at panoorin ang E-Live dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay magsasalita na si Luis tungkol sa pagkaka-link niya kay Jennylyn at isang non-showbiz girl.

Reports from JAMES C. CANTOS

ANGELICA PANGANIBAN

CHARICE

CRISTINE REYES

DEREK

DEREK RAMSAY

JENNYLYN

JENNYLYN MERCADO

LUIS

LUIS MANZANO

ONE HEART

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with