^

PSN Showbiz

Kahit 10 taon nang nagsasama, Aga at Charlene parating bagong kasal ang pakiramdam

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Sa May 28 ay 10th wedding anniversary nina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez. Kahit wala pang plano ang mag-asawa kung paano nila ise-celebrate ang kanilang special day ay kakaibang excitement na ang nararamdaman ni Charlene.

“Ang sarap ng feeling ko, parang first year pa rin kami ni Aga hanggang ngayon, each day gets even more special. Basta kasama ko ang asawa ko and my children, everyday is a gift.

“’Yung May sa amin, birthday ko, Mother’s Day pati wedding anniversary. One month celebration of many good things and love and happiness,” nakangi­ting kuwento ni Charlene.

Ang isa pa niyang kuwento, sa May 22 ay nakatakda pala siyang mag-ninang sa kasal ng kanyang brother-in-law na si Albert Muhlach.

“Yes! Magiging ninang ako. Albert sa wakas, haping-happy ako sa iyo, alam mo ’yan and I’ll always be your sister. It’s a big honor that you chose me to be your ninang. Kahit bata pa ako gagawin ko ito para sa iyo, mahal kita,” mensahe ni Charlene sa kapatid ni Aga.

Pagka-College ni Julia naudlot

Kamakailan ay nag-graduate na si Julia Montes sa high school kaya determinado na siyang mag-college. Pero ngayon ay mukhang hindi pa makakapag-enroll ang teen star at ang balita ay titigil muna ito sa pag-aaral.

“As of now kasi hindi pa ako nakakapag-enroll, so, baka sa second semester pa ako makakapasok. Kasi may hinihintay pa akong requirements sa school ko sa high school kasi may hinihintay pa akong test results.

“Sabi ko, sayang, excited na akong mag-college, saka college na, ibang world na naman, pero ita-try ko pa rin kung maihahabol,” pahayag ni Julia.

Bianca Manalo, naging stalker ang textmate

Hanggang ngayon ay may komunikasyon pa rin pala sina Bianca Manalo at ang lalaking half-Italian na nagpakilala sa kanya kamakailan sa Boracay.

“Nagkukuwento siya, umalis daw siya ng Manila, ’tapos bumalik ulit. Tapos ’yung friend ko nakikita siya rito, sabi niya, wala iyan, kung anu-anong sinasabi para may communication kayo,” kuwento ni Bianca.

Ang hinala ng dalaga ay nagsisinungaling ang lalaki. “Noong nagpakilala siya, sabi niya hindi marunong mag-Tagalog. ’Tapos the next day nalaman namin na marunong pala. Hanggang sa nalaman namin na nag-aral pala dito, na madalas dito. Hindi talaga siya nandito for vacation. Parang sila nagsabi na, ‘Ay, huwag iyan, parang sinungaling naman,’” dagdag pa ni Bianca.

JM De Guzman sumabak na sa recording

Bukod sa pag-arte ay pinasok na rin ngayon ni JM De Guzman ang pagkanta.

“Dati noong ’di pa ako umaarte, ’yun ang outlet ko. Pagkanta, pag-gitara doon ko nalalabas.

“’Yung mga YouTube videos ko, nakita ng Ivory Records ’tapos nag-offer sila sa akin. Nakapag-record na ako ng isang original. Inareglo nila isa kong composition, ’tapos ni-record ko last week,” balita sa amin ni JM.  Reports from JAMES C. CANTOS

AGA MUHLACH

AKO

ALBERT MUHLACH

BIANCA

BIANCA MANALO

CHARLENE

CHARLENE GONZALEZ

DE GUZMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with