^

PSN Showbiz

Kaya nasasayang, aktres malaking problema ang katabaan!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Para namang hindi totoo ang tsikang lilipat sa ibang network ang isang actress dahil dissatisfied sa home network niya. Mas tama kung sasabihing may problema siya sa weight niya kaya madalas nauudlot ang career.

Kahit kina-cast siya sa isang project ng network, bigla siyang aalisin at papalitan dahil masyoba at ayaw lumabas. May isa itong sinalihang project na kailangan silang i-pictorial. Ayun, nahirapan ang organizer na piliin ang picture na lalabas siyang medyo slim dahil kahit saang anggulo, kitang malaki siya.

Sana nga pumayat na ang actress dahil nami-miss na siya ng kanyang fans na mapanood uli regularly. Sayang din ang talent niya kundi nagagamit dahil lang sa kanyang timbang.

Pamamahinga sa pagiging ‘bakla,’ hindi natupad ni Keempee

Sana nga umere ng 10:00 pm., ang pagbabalik ng Iskul Bukol para mas marami ang makapanood. Tuesday after Mga Nagbabagang Bulaklak starting May 24, ang time slot nito sa TV5, kaya malamang Wednesday morning na ito eere hanggang hindi sinusunod ng istasyon ang oras ng airing ng mga show nila.

Role ng closet gay teacher na si Wacky Roque ang role ni Keempee de Leon. Hindi siya nag-audition for his role, ang creative team mismo ang pumili sa kanya sa ginagampanang role. Hindi nasunod ang gusto nitong magpahinga muna sa gay role dahil hindi natanggihan ang Iskul Bukol.

Ang ganda nang sinabi ni Keempee na hindi lang siya ang dapat umangat sa show, dapat lahat ng cast, lalo na ang mga baguhan, kaya minsan, ipinapasa niya sa iba ang punchline niya.

Nakatulong din ang workshop ng 11 cast members para makilala nila ang isa’t isa at ang pagbabasa ng buong script bago ang taping para walang aberya.Sina Soxie Topacio at Dante Garcia ang directors ng Iskul Bukol na parehong absent sa presscon. Hindi alam kung bakit wala ang una, pero si direk Garcia, nasa St. Luke’s at naka-schedule for appendectomy operation this Wednesday.

Jericho tuwang-tuwang pahinga muna sa aktingan

Nabasa namin sa Twitter na last two weeks na lang ang airing ng Green Rose nina Jericho Rosales at Anne Curtis at magtatapos na ito.

Tama rin ba ang balita naming isang reality show ang next show ni Jericho sa ABS-CBN - I Dare You? na eere sa June?

Excited ang actor dahil hindi siya aarte rito, kundi magho-host.

Si Anne, daily pa ring napapanood sa Showtime at nabalita dati ni Kris Aquino na magkakasama sila sa teleserye ng ABS-CBN pa rin to be directed by Chito Roño.

Marvin walang maipamigay na ticket

Ang pagkakaroon ng ka-partner sa mga pino-produced na concert ang inirason ni Marvin Agustin kung bakit hindi siya makapagbigay ng complimentary tickets sa lahat ng humihingi. 

Sabi nito sa press na nanghihingi ng compli tickets sa concert ng Maroon 5 at ni Miley Cyrus, ipag-pray na solo ng Futurentertainment ang pagpo-produced sa mga darating pang concert para hindi problema ang compli tickets. Ang nangyayari pala, kahit sila ang producer, binibili nila ang compli tickets na ipinamimigay para mag-tally sa labas ng tiket at walang partner na magreklamo.

Anyway, ang hino-host na Kitchen Superstar naman ang rason ni Marvin kung bakit wala siyang acting project lately. Kumakain ng oras ang taping ng show na magtatapos sa July.

ANNE CURTIS

CHITO RO

DAHIL

DANTE GARCIA

GREEN ROSE

ISKUL BUKOL

KEEMPEE

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with